Chapter 36

25 2 3
                                    

Ilang segundo ding natigilan si Xandrea matapos makita ang lalaki na may hawak na payong. Kaya pala hindi na siya nababasa ng ulan dahil dito.

"Ken?"

Hindi sumagot ang lalaki kaya ang akala ni Xandrea ay namamalik-mata lang siya. Pinikit niya saglit ang kaniyang mga mata pagkatapos ay iminulat ulit.

"Sh*t! Ikaw nga."

"Language, Devil."

"D*mn! Ikaw nga. Pinapagalitan mo ako, eh."

"Bakit? Sino ba ang inaasahang mong makaharap ngayon? Si Trex?"

"No!" Agad na sagot ni Xandrea.

"So ako?" Nakangisi na ang lalaki ng nakakaloko.

Sa halip na sagutin siya ng babae ay nagulat siya sa natanggap mula dito. Pinaghahampas-hampas siya ni Xandrea sa kaniyang dibdib.

"Hey! Mabibitawan ko ang payong. Nababasa ka na."

"Wala akong pakialam," sagot ni Xandrea habang hinahampas padin ang lalaki. "Halos 1 week mo 'kong 'di pinansin. Akala ko may nagawa akong masama. Akala ko napagod ka na sakin."

"Xand, I'm sorry." Pinipigilan na ni Ken ang babae sa kakahampas gamit ang kaniyang kanang kamay pero masyado itong malakas.

Ken was left with no option but to let go of the umbrella and hugged Xandrea.

Natigilan si Xandrea nang maramdamang nakapulupot na sa kaniya ang dalawang braso ng lalaki. Malamig ang buhos ng ulan pero ramdam niya ang init galing sa mahigpit na yakap ng lalaki.

Nobody dared to talk or even to move. Dinama lang nila ang init ng yakap na galing sa isa't-isa.

+

"Sigurado ka gusto mo pang mag-usap tayo? Nanginginig ka na sa lamig. Mas mabuti siguro kong umuwi nalang muna tayo."

Nakasilong na ngayon sa likod ng Roxas Building ang dalawa. Mas pinili nilang dito na muna manatili dahil nga gusto ni Xandrea na makausap muna ang lalaki.

Umiling siya bilang tugon sa suhestyon ng lalaki. "Okay lang ako."

"Hindi ka okay, Xand. Nanginginig ka na."

Imbis sumagot si Xandrea ay lumapit nalang siya sa inuupuan ng lalaki at hinawakan ang kamay nito.

Nagulat si Ken sa ginawa ng babae.

"'Yan. Okay na ako. Kahit papano ay hindi na ako nanlalamig."

"Seryoso ka, Xand?"

"Oo nga kasi. Ang tagal ko ding naghintay na kausapin mo ako. Ngayong andito ka na, hindi ko na hahayaang masayang pa 'tong oras na 'to."

"Ano ba'ng gusto mong pag-usapan?"

"Bakit bigla ka nalang hindi nagparamdam sa akin?"

Natahimik si Ken sa tanong ng babae.

Sasabihin ba niyang noong isang Lunes, sabik na sabik siyang bisitahin ang babae sa classroom nito pero nakita niya ito kasama si Trex na magkahawak-kamay kaya nagselos siya?

"Akala ko kasi hindi magiging big deal sa'yo kasi hindi naman talaga ako parte ng normal mong buhay."

That was partly true. Naisip din 'to ni Ken no'ng nakita niyang magkahawak-kamay sina Trex at Xandrea. Pinili niyang 'wag nalang sabihin sa dalaga ang buong rason.

"What are you saying? Hindi ka parte ng normal kong buhay? Ken, we are friends. Magkaibigan tayo kaya magiging parte ka talaga ng normal kong buhay."

High SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon