Chapter 22

25 2 0
                                    

"Craine, nakakairita talaga ang lalaking 'yon. Wala talaga siyang respeto. Akala mo kung sino. Hindi naman siya kagwapohan. Ang patpatin pa. Isang suntok ko lang sigurado tumba na 'yon. 'Di ba, Craine?"

Naglalakad na pabalik ang dalawa sa kanilang classroom. 2:30 pm na at male-late na sila para sa sunod nilang klase pero ayos lang naman siguro dahil may excuse sila.

"Craine, 'di ba?" tanong ulit ni Xandrea.

Tumango lang si Craine bilang tugon.

"Akala ko talaga sumuko na 'yon eh. Nag-sorry na siya. Nag-sorry na siya pero dahil sa pinapakita niya ngayon, sigurado ako na 'di bukal sa kalooban niya 'yong ginawa niya. Ayoko talaga siyang makasama sa team. Pwede namang mag-solo nalang ako. Swap nalang kaya kami no'ng HUMSS. Ako nalang sa SocSci. Siya nalang sa team." Hindi na napigilan ni Xand ang magsalita nang magsalita dahil sa frustrations niya. Sasabog siya kung 'di niya 'to mailabas sa kaibigan. "Pa'no kung mag-swap nalang tayo, Craine? Ako nalang sa Mathematics tapos ikaw nalang sa team?"

Naghihintay si Xandrea sa sagot ng kaibigan pero ilang segundo na simula nang nagtanong siya, hindi padin ito sumagot. Tinapik nalang niya ito. "Hoy!"

"Hah? Ano 'yon?" Craine was startled because of what Xandrea did.

"Sapakin kita gusto mo? Kanina pa ako salita nang salita dito. Tapos hindi ka naman pala nakikinig?" Disappointed na ang mukha ni Xand.

"Sorry. May iniisip lang ako. Ano na nga ulit 'yon?"

"Wala! Wala na! Tinatamad na 'kong magsalita." Nauna nang maglakad si Xand pagkatapos sabihin ito. Bago siya tuluyang makalayo, narinig pa ni Craine ang sinabi niyang, "Magbati na kasi kayo ni Venice."

Craine shook his head. Hindi naman kasi si Venice ang iniisip niya kundi si Kate.

Hindi niya pinansin kanina ang dalaga. Makailang beses siyang kinausap ni Kate pero tango lang ang isinasagot nito. Hindi na niya alam kung hanggang kailan niya kayang iwasan si Kate lalo pa ngayon na iisang coach lang sila dahil pareho silang magko-compete sa Mathematics. Ibig sabihin, halos araw-araw na silang magkikita. Napasapo nalang siya sa kaniyang noo pagkatapos ay sumunod na kay Xandrea.

+

Nakahiga na ngayon si Xandrea sa kama niya. Alas otso na at tapos na siyang kumain, maglinis ng katawan at mag-review ng mga notes para sa klase. Naghihintay nalang siya ngayon ng text ni Trex.

Habang hindi pa nag-message ang lalaki ay nag-open muna ito ng social media accounts niya. Scroll lang ang ginawa ng dalaga nang biglang lumabas sa screen ng phone ang pangalan ni Trex.

Tumatawag ito!

Nagpanic agad si Xandrea. Bakit naman 'to tumawag? Simula no'ng naging okay na sila, hanggang text lang ang ginagawa nilang dalawa. Ba't naman 'to tumatawag ngayon?

Mga ilang segundo pang pagpa-panic ang ginawa ni Xand. Sa huli ay in-accept nalang niya ang tawag nang nakapikit pa. Idinikit na niya ang phone sa tenga.

"Hello, Xandy," maganang wika ni Trex.

"Bakit ka napatawag?"

"Grabe naman. Hindi ako binati pabalik."

"Sorry. Nabigla lang ako sa pagtawag mo."

"Hehe. Nagdesisyon ako na tumawag nalang. Na-miss ko kasi boses mo."

Hindi na ulit mapigilan ni Xandrea ang ngumiti dahil sa hirit ng lalaki.

"Oy kinilig!"

"Ulol! Hindi!"

"Deny pa! Nakangiti ka ngayon."

"Ang taas talaga ng tingin mo sa sarili mo, Trex. Mahiya ka!" natatawang sagot ng dalaga.

High SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon