Pawang huni lang ng mga kubyertos ang maririnig sa hapag-kainan habang sabay na kumakain ang mag-amang Xandrea at Vergilio. Walang ni isa man sa kanila ang nagsubok na mag-asik ng kahit isang salita man lang. Hindi din kasi alam ni Vergilio ang sasabihin sa anak kaya nanatili nalang itong tahimik.
Nasa kalagitnaan na sila ng hapunan nang hindi na napigilan ni Vergilio na kausapin ang anak. "Papasok ka na ba bukas?"
Itinaas ni Xandrea ang tingin niya sa ama. Nakita niyang nakatingin na din ito sa kaniya. "Yes, Dad. Papasok na ako."
"Sigurado ka?"
"Opo. Isang linggo na din ang naging pahinga ko. Kailangan ko nang pumasok bukas."
Tango lang ang itinugon ni Vergilio sa anak nang makitang buo na nga ang desisyon nito.
Nang natapos ang kanilang hapunan ay bumalik na agad si Xandrea sa kaniyang kwarto.
Nang mahiga'y hindi na niya ulit napigilan ang sariling mag-isip sa mga posibleng mangyari bukas.
Pa'no nalang kung may gagawin na naman sina Samantha sa kaniya?
Pa'no kung pagtawanan na naman uli siya ng mga estudyante?
Xandrea immediately erased these thoughts in her mind.
"Stop worrying, Xandrea. Kaya mo 'to. Hindi ka mahina."
These are Xandrea's last words before she pulled herself to sleep.
+
Lunes na at panibagong araw na naman para sa mga estudyante na gumising ng maaga at pumasok sa kanilang paaralan. Ito mismo ang ginawa ni Craine. Nagising siya ng maaga at agad na pumasok sa Wellton.
Hindi man naging maganda ang nakaraang linggo'y pilit pinapasigla ni Craine ang sarili. Alam niyang magiging okay din ang lahat.
Naglalakad na si Craine sa tapat ng admin bldng. nang biglang magpakita sa kaniya si Kate. Dahil dito, hindi na naman napigilan ni Craine magpakawala ng isang nakakalokong ngiti. "Hi, Kate. Miss mo na ko agad?"
Pero imbis na irapan siya ni Kate na palagi nitong ginagawa, hinayaan niya lang ang tukso nito.
Mas nagulat pa si Craine nang makitang parang problemado ang babae.
"Nabuksan mo na Messenger mo ngayong araw?" agad na tanong ni Kate.
"Wala pa. Bakit?"
"May kailangan kang makita." Seryoso ang pagkakasabi ni Kate kaya agad tumugon dito ang lalaki.
Kinuha ni Craine ang cellphone niya mula sa bulsa pagkatapos ay binuksan ang Messenger. Nakita niyang nagkakagulo ang GC ng buong Devils.
Una'y hindi pa niya maintindihan bakit nagkakagulo ang mga ito. Nahihirapan din siyang magbackread sa dami ng mga mensahe. Pero hindi nagtagal ay nakabasa si Craine ng isang chat na nagbigay kaba sa kaniya. Dito na siya nagkahinala.
He didn't stop there. Nagbasa pa uli siya ng ibang mensahe at habang ginagawa ito, unti-unting bumalik sa kaniya ang mga alaala ng nakaraan.
~
"Our 1st Honor is Xandy Santos! Please say 'congratulations' to your classmate, kids."
Gaya ng sinabi ng teacher ay sabay-sabay ngang bumati ng 'congratulations' ang buong klase ng Grade 3 sa kaklase nilang si Xandy.
"Congrats, Xandy. Ang talino mo talaga," papuri ng nine years old na si Trex sa kaibigang si Xandrea nang makabalik na ito sa kaniyang upuan.
"Thank you, Trex."
![](https://img.wattpad.com/cover/225459007-288-k181981.jpg)
BINABASA MO ANG
High School
Novela JuvenilGENRE: Teen Fiction, Gangster LANGUAGE: Filipino & English STATUS: Completed DATE STARTED: May 16, 2020 DATE FINISHED: August 11, 2020