"See you later at the party, guys," Maika said while waving goodbye to the other four.
"See you, Sis," Venice answered.
Pagkatapos magpaalam ng lima sa isa't-isa ay pumasok na sina Maika at William sa kani-kanilang mga sasakyan. Si Venice nag-umpisa nading maglakad dahil walking distance lang rin naman ang boarding house niya from school. Si Craine sumakay na din sa jeep, at si Xandrea sumakay narin sa sasakyang kanina pa naghihintay sa kaniya.
Hindi sumasabay si Craine sa kaniya kasi hindi naman madadaanan nila Xandrea ang bahay nila Craine though mga 30 minutes lang naman ang byahe ng jeep galing sa village nila Xandrea at bahay nila Craine.
Nang pinaandar na ni Bert ang sasakyan ay sinalampak nalang din ni Xandrea ang earphones sa kaniyang tenga para makinig ng musika.
Nagdaan ang tatlong araw sa Wellton na halos wala namang importanteng nangyari. Nagsimula na si Kate bilang assistant at 2nd class devil no'ng Martes. Si Nikki kinausap narin nila Venice at Maika na tanggal na siya sa grupo. Napapansin ni Xandrea nagiging tamad nadin naman yong isang yon. Tinanggap lang naman nila noon yong Nikki na yon kasi mayaman siya at sobrang talino na kailangan nila para gumawa ng assignments at projects kung tinatamad sila.
So far, okay naman ang performance ni Kate. Kahit pa pinapahirapan siya ni Maika sa mga gawain, hindi naman siya sumusuko. Nalaman din nila na ang talino din pala ng bagong devil kasi nakakaya niya ang mga assignments ng Senior High. Most of the time, sila Maika at William lang naman ang may pinapagawa dito kasi sila lang naman ang mga tamad mag-aral sa 1st class.
At si Trex... Walang siyang palya araw-araw sa pagme-message kay Xandrea sa Instagram man o sa Messenger, pero hindi nadin naman siya nire-reply-an ni Xandrea simula no'ng Lunes.
Minsan hindi na niya talaga napigilan ang sarili niya kaya nabuksan niya ang message ni Trex. Nang-aaya siyang maka-date si Xandrea sa acquaintance party. Pilit nagmatigas si Xandrea at hindi na nireplyan ang lalaki.
Saktong alauna nang dumating si Xandrea sa kanilang bahay. Half-day lang sila ngayon para makapag-prepare daw sa party mamayang 7 pm.
Halos lahat ng Senior High excited para sa party.
Sa halip mag-ayos o magpanic na pumunta sa mall o sa salon gaya ng ginagawa ng ibang mga babae, napagpasyahan niyang matulog muna.
3 pm na nang magising siya. Napagpasyahan niyang mag-ayos na para sa party.
Naglinis siya ng katawan and after 30 minutes, lumabas na siya ng banyo suot ang kaniyang robe. She blowdried her hair pagkatapos ay naglagay na ng kunting make up sa kaniyang mukha. Syempre hindi padin mawawala ang signature black eyeliner niya.
Pagkatapos magmake up ay nagpunta na ito sa kaniyang walk in closet at pumili na ng maisusuot.
Pinili niya ang black floor length gown na meron siya. Meron itong thin straps na nakakabit sa balikat niya kaya mas komportable siya ngayon. Meron ding slit itong gown kaya napapansin ang mahahaba niyang biyas.
Xandrea's tall as 5'6 kaya isang pares ng 3 inches tall nalang na silver cigarette heels ang isinuot niya. Isinuot niya din ang diamond necklace at earings niya.
Pinaresan niya ang kaniyang suot ng white clutch bag na puno ng silver glitters at inilagay don ang kaniyang phone at iba pang essentials.
She looked at herself in the mirror. Nag-isip pa siya kung dapat ba niyang gawan ng ibang hairdo ang buhok o hayaan nalang itong nakalugay. She did the latter.
She looked at herself for the last time in the full length mirror. She smiled with her look. Not to be narcissistic pero bagay talaga sa kaniya ang itim niyang gown dahil sa balat niyang mala-snow ang puti. Nagmana talaga siya sa kaniyang Mommy.
BINABASA MO ANG
High School
Teen FictionGENRE: Teen Fiction, Gangster LANGUAGE: Filipino & English STATUS: Completed DATE STARTED: May 16, 2020 DATE FINISHED: August 11, 2020