Chapter 25

37 2 0
                                    

"So, have you made up your mind, Devils?"

Martes at lunchtime na kaya andito ulit ang limang Devils kasama si Trex, tapos na kumain at nag-uumpisa nang mag-usap tungkol sa bagay na sinabi ni Xandrea kahapon.

"I already did," sagot ni Maika.

"Same." -Venice.

Tumango lang si William. Si Trex mukhang kinakabahan sa magiging desisyon ng Devils.

"Then let the voting begins. Maika?"

"It's a yes for me," masayang wika ni Maika. "Masyadong madami ang Raven at may point si Trex. There's a chance that they would play dirty like what they've done the first time we fought them kaya natalo tayo. Tsk. Kung may ebidensya lang sana tayo na nandaya sila."

Inilipat na ni Xandrea ang tingin kay Venice. "How about you, Nice?"

"I'll go for yes. I'll let Black Society help us."

"2-yes. Craine?"

"Tss. Ano'ng magagawa ng no ko eh lahat naman kayo magye-yes?"

"So it's a no?" paninigurado ni Xandrea.

"No, Empress."

Tumango lang si Xand sa sagot ni Craine.

"Ikaw, William?"

"Okay ako, Empress."

Napangiti si Trex. Bigla siyang nabunutan ng karayom dahil sa mga sagot ng 1st class.

"It's final then. 3 yes and 1 no. That means we'll let Black Society help us."

Napapalakpak pa si Maika dahil sa resulta ng botohan.

"Wiliam," wika ni Xandrea, "ikaw na bahala mag-inform sa Raven hah? Sabihin mo sakin bukas ang desisyon nila."

"Okay, Empress." -William

"Sana mag-agree sila" -Maika.

"We'll know the answer tomorrow. Pano? Balik na tayo ng Roxas?" tanong ni Xandrea.

Um-oo naman silang lahat kaya nag-umpisa na silang tumayo at naglakad pabalik sa Roxas Building.

"Wait, Xand."

Napatingin ang lahat kay Craine nang tawagin nito ang Empress.

"Why?" Xandrea asked.

"Kung ikaw ba ang tatanungin? Will you answer yes or no?"

Napatingin na ngayon ang nalalabing Devils at si Trex kay Xandrea, naghihintay ng sagot ng babae.

Tumingin si Xandrea sa ngayo'y nakatitig din sa kaniyang si Trex. "It's... okay to me so it's yes."

+

"Musta, Kate? Nakuha mo na ba ang tinuro ko sa'yo kahapon?"

"Opo, Kuya. Salamat po."

"Anytime."

Alas singko na ulit at habang ang ibang estudyante ay nag-uuwian, andito lang si Craine nakaupo at nag-aaral kasama ang iba pang quiz bee participants. Nakaupo lang siya at nagkukunwaring nagbabasa pero ang totoo'y inis na inis siya sa naririnig kina Kate at Brent.

Kahapon pa niya gustong sapakin ang lalaki.

Ay hindi! Nong Byernes niya pa gustong sikmuraan 'tong si Brent.

Pano ba naman, lagi-lagi niyang kinakausap si Kate. Halatang type niya. 'Tong Kate naman na 'to, sobrang clueless.

"Pre," tinapik siya ni Brent kaya napatingin siya sa lalaki, "matalino si Kate hah? Tsaka balita ko miyembro din siya ng Devils. Tulungan nating makapasok sa Guild."

High SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon