Chapter 38

31 2 0
                                    

Pumasok si Xandrea sa panghapon niyang klase na lutang at wala sa sarili.

Nang magdismissal naman ay agad siyang lumabas ng classroom at hindi na nagpaalam kina Venice at Craine.

"What the hell have you done, Xandrea?! Sa cafeteria ka pa talaga nag-eskandalo?! Hindi ka ba nag-iisip? Nakita ng mga estudyante at ng ibang mga teachers ang ginawa mo!"

Eto siya ngayon, nakaupo sa sofa ng living room habang sinisigawan na naman siya ng Daddy niya. Nakarating kasi ang nangyari kanina sa Daddy niya. Muntik na pala siyang ma-guidance kung hindi lang nakialam si Vergilio.

"Ano?! Balak mo ba talagang sirain ako?! Napahiya ako, Xandrea, dahil sa ginawa mo."

Hinayaan niya nalang na sigawan siya ng Daddy niya. Pagod na pagod na siya para sagutin pa ang kaniyang ama.

"At sangkot din pala sa eskandalo ang Trex na 'yan? Sinasabi ko na nga ba at ipapahamak kalang ng lalaking 'yan tulad ng ama niya. Goodness! You only bring disgrace to me! I can't believe your my daughter. Umalis ka na sa harap ko! I can't take seeing your face."

Sinunod ni Xandrea ang sinabi ng ama. Tumayo na siya at naglakad paakyat sa kwarto niya.

As soon as she opened her room, she immediately throw herself on the bed. Minutes later, she just found herself crying.

Gusto niya lang naman maging masaya. Gusto niya lang ipakita ang totoong nararamdaman niya pero bakit ganito ang kapalit?

Hindi na niya namalayan kung gano na siya katagal umiiyak. Basta ang alam niya, kanina pa vibrate ng vibrate ang cellphone niya. Baka may tumatawag pero wala talaga siya sa mood para tingnan kung sino ito.

Nagtagal pa ang iyak niya at nang gumaan na kahit papano ang pakiramdam, tiningnan niya ang phone at nakitang may mga missed calls at unread messages siya.

10 missed calls at 5 unread messages kay Craine, at 28 missed calls plus 8 unread mesages kay Ken.

She wiped her tears and decided to dial Ken's number. Hindi nagtagal ay sinagot agad ito ng lalaki.

"Thank goodness you called. Nag-alala ako. Kumusta ka na diyan? Are you okay?" Halata ang pagkataranta sa boses ni Ken.

"I-I'm okay, Ken."

"Hearing your voice, I know you're not okay."

Ilang segundo ding natahimik si Xandrea. She's trying to stopped herself from crying again. When she tried to talk, she can't because of the thing that is blocking her truth. Dahil dito, hindi na niya napigilang umiyak ulit.

Ken, on the other line, can clearly hear Xandrea's sobs. He felt a pang of pain striking his heart hearing his girl cry.

He kept quiet. Hinayaan niya lang na umiyak si Xandrea sa kabilang linya.

"M-maybe it's really my fault," Xandrea tried to talk even if she's still sobbing. "S-sana... sinabi ko n-nalang kay Trex na itigil na niya ang g-ginagawa niya. Sana sinabi ko n-na agad ang totoo."

"Xand, may kasalanan din naman siya, eh. Sana kinausap ka niya ng maayos. Alam niya naman na hindi kayo pero sumugod pa talaga siya sa cafeteria at sinigawan ka. He should have talked to you privately."

"Nakokonsensiya parin ako. The situation is slowly sinking in my head. May kasalanan nga talaga ako. I was too happy with you that I forgot telling him the truth."

"Kung 'yan talaga ang iniisip mo, kung tingin mo talaga may kasalanan ka, alam mo naman na ang gagawin, 'di ba?"

"Yes, Ken. I'm planning to ask forgiveness to him."

High SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon