Chapter 2

100 4 0
                                    

"Brave, but I'm wondering if you could still be able to act brave after we'll give you your deserved punishment."

Biglang kinabahan si Ken sa tono ng pananalita ni Xandrea pero agad din naman itong nakabawi. "Bakit ako paparusahan? Ano bang kasalanan namin? Hindi kami tumabi? Eh hindi nga kasi namin kayo nakita. Kayo 'yong nakakita sa'min na naglalakad patungo sa direksiyon niyo eh. Sana kayo nalang 'yong tumabi."

Dumagdag ang ingay galing sa paligid. "Sino ba siya? Gosh. Hindi niya ba kilala ang nabangga niya?" "Rumarason pa. Tumahimik ka nalang, boy."

"How dare you reason out like that to our Empress?" si Venice na ngayon ang nagsalita pero may bahid pa rin ng kontrol sa boses niya.

Nagsalita na din si Craine, "Hindi mo ba alam na anak si Empress ng isa sa tatlong may-ari nitong school na 'to?"

"Eh ano naman ngayon? Nagbabayad din naman ako ng tuition fee ko dito. Saan ba galing ang kita nitong school na 'to kung di galing sa mga tuition fee ng mga estudyante?"

Pati si Craine nagulat na din sa inasta ni Ken. Hindi nila inaasahan na ganito ka tapang ang isang patpatin at naka-eyeglass pang lalake. Pati si Xandrea nadagdagan din ang pagkagulat at ang pagkainis.

Nagsalita na si Tanaya, "Tigilan mo na nga yan, Ken." Napatingin uli ito sa Devils. "Sorry talaga. Sorry din, Empress."

"Bakit ka nagso-sorry? Wala tayong kasalanan, Tanaya. Tsk. Kung alam ko lang na ganito dito, sana hindi nalang ako nagtransfer."

Hindi na napigilan ni Craine ang sarili niya. Aakma na sana siyang itulak si Ken pero hinawakan siya ni Xandrea.

Bumaling naman ang huli kay Ken. "So you're a transferee. That explains your rude behavior towards us."

Sasagot pa sana si Ken pero may kamay na tumakip sa bibig niya. Paglingon niya, si Phillip na ito na pinsan niya.

"Wano ba?! Butawan mo bubug ko!" usal ni Ken kahit tinatakpan na ng pinsan ang bibig niya.

Si Phillip na ngayon ang nagsalita. "First Class, lalong-lalo na sa'yo Empress, ako na ang humihingi ng tawad sa ginawa nitong mokong na to. Transferee lang kasi siya kaya marami pa siyang di alam tungkol sa inyo at sa school na 'to. Pasensiya na talaga. Please po. Spare us. Ako na po bahalang pagsabihan 'to. Sorry po talaga. Aalis na kami."

At kinaladkad na ni Phillip si Ken palayo kila Xandrea. Naiwan doon si Tanaya.

"That's your friend?" tanong ni Xandrea kay Tanaya. Tumango lamang ang huli. "Didn't you warn him about us?"

Nagsalita si Maika, "Ano namang aasahan natin diyan sa kaniya, Empress? Syempre don yan papanig sa kapatid niya. I'm sure siya ang nagkumbinsi don sa lalake para banggain tayo ng ganito."

Bigla namang umiling si Tanaya. "I didn't."

"Ano'ng ginagawa niyo sa kapatid ko?" tanong ni Trex na sa likod na ngayon ng Devils. Siya lang mag-isa at hindi niya kasama ang tropa niya.

"Your dearest younger sister dared to bump us here in this hallway," Maika said.

"Ginawa mo 'yon, Tanaya?"

"Hindi kasi namin sila nakita, Kuya. Sorry talaga."

Binawi ni Trex ang kaniyang tingin sa kapatid at ngayo'y nakatitig na kay Xandrea. Tumahimik ang paligid dahil alam na nila kung saan na naman ito patungo, pero nagulat ang lahat nang magsalita si Trex. "Hindi ka kasi nag-iingat, Tanaya."

Akala ng lahat papanigan ni Trex ang kapatid bagkus ay pinagsabihan niya pa ito.

"Sorry ulit, Empress. I'm sure hindi naman sinasadya ng kapatid ko kung ano man ang nangyari."

High SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon