"Sigurado ka bang okay ka lang dito, Xand?"
"Okay na ko, Craine. Bantayan mo na si Venice don."
Nang marinig ito mula sa kaibigan ay nagsimula nang maglakad paalis si Craine. May kalayuan din kasi ang hospital room ni Venice mula kay Trex.
Umuwi na ang iba pa nilang kaibigan, at silang dalawa nalang ang naiwan dito sa hospital para bantayan sina Trex at Venice.
Kahit papano ay maayos nadin naman ang itsura ni Xandrea. Nakapaghilamos na siya at nakapagbihis ng damit. Nakapaglagay nadin siya ng Salonpas sa parte ng katawan niyang natamaan ng kalaban.
Nang tuluyan ng maglaho ang pigura ni Craine, pumasok na siya sa loob ng kwarto kung saan ngayon nakahiga at natutulog si Trex.
Naupo siya sa paanan ng binata at tiningnan lang ito. Hating-gabi na pero wala siyang balak matulog pagkatapos ng mga nangyari ngayong araw na 'to.
Makalipas ang ilang minutong pagmamasid sa binata ay naramdamang niyang nagvibrate ang kaniyang phone. Tiningnan niya ito at nakikitang tumatawag si Ken.
"Hello, Ken?"
"Nasa hospital ka pa ba? Kumusta ka na diyan?"
"Okay lang ako, Ken. Binabantayan ko lang si Trex."
"Maayos na ba ang kondisyon niya?"
"Oo, salamat naman at naging successful ang operation niya."
Naalala ulit ni Xandrea ang nag-uumapaw niyang saya matapos marinig na naging maayos operasyon ni Trex.
Pinakaba siya ng lalaki. Malala kasi ang naging saksak nito sa tagiliran. Buti nalang talaga hindi nangyari ang kinakatakutan nilang lahat.
"Good to hear that." Dama ang sinseridad sa boses ni Ken. "Mag-isa ka lang ba diyan?"
"Oo, eh. Si Craine kasi kay Venice nagbantay. Ang iba nauwi na muna at bukas nalang daw ulit sila bibisita."
"I see. Pa'no... alam kong pagod ka na, Xand. Lagpas hating-gabi na kaya matulog ka na diyan."
"I can't sleep, Ken. Alam mo 'yong pagod na pagod na ang katawan ko pero 'yong utak ko ayaw magpahinga?"
"Xand, you need to sleep. May sofa naman siguro diyan para matulogan mo, 'di ba? Sige na. Matulog ka na."
Napatingin si Xandrea sa sofa na nasa sulok ng kwarto.
Wala naman na sigurong mangyayari kay Trex kung matutulog siya kahit saglit lang , 'di ba?
"Sige. I'll try, Ken. Pero 'wag mo munang ibaba ang tawag, hah? Dapat makatulog muna ako."
"Sure. I'll sing to help you sleep."
Xandrea bit the insides of her mouth to suppress a smile but she still failed to do it. Kapag si Ken talaga, nahihirapan siyang pigilan ang mga ngiti niya.
Xandrea lied on the sofa. Mabuti naman at kasya siya rito. "Sige. Nakahiga na ako."
As soon as she closed her eyes, Ken started singing a song on the other line. He started singing a song from Xandrea's favorite band, Coldplay, entitled 'Everglow'.
Well, they say people come
The say people go
This particular diamond was extra special
And though you might be gone, and the world may not know
Still I see you, celestial.With Ken's sweet voice, that assured Xandrea of Ken's presence to back her up whatever happens, Xandrea slowly fell to sleep.
"Xand?" Agad na tanong ni Ken nang matapos na niya ang kanta.
![](https://img.wattpad.com/cover/225459007-288-k181981.jpg)
BINABASA MO ANG
High School
Teen FictionGENRE: Teen Fiction, Gangster LANGUAGE: Filipino & English STATUS: Completed DATE STARTED: May 16, 2020 DATE FINISHED: August 11, 2020