Chapter 46

28 2 9
                                    

"E-L-E-V-E...N. E-L-E-V-E...N. Eleven! Eleven! Here are the Eleven's!" the Grade 11 cheered in chorus while they are having their parade inside the school premise.

Martes na kasi at ngayon na magsisimula ang 1st day ng Intramurals.

Magkasamang naglalakad sa parade sina Xandrea, Venice, Maika, William at Craine. Pare-pareho silang nakasuot ng purple na shirt. Ito kasi ang official color ng Grade 11. Pare-pareho din silang may dalang pompoms na kulay lila. Ang kaibahan lang ay nakaputing skirt ang mga kababaihan samantalang ang mga kalalakihan naman ay nakajersey shorts pero purple din ang kulay.

"E-L-E-V-E...N. E-L-E-V-E...N. Eleven! Eleven! Here are the Eleven's!" The Grade 11 repeated their chants as they walk themselves towards the covered gym where the opening program would be held.

Gaya ng mga kaklase at batchmates ay napakalakas din ng cheer ng mga Devils. Sa likod lang kasi nila ang Grade 12 na mahigpit nilang kalaban sa event ngayon.

Ilang minuto ang nagdaan ay nakarating nadin sila sa covered gym at agad naupo ang mga estudyante sa kanilang designated seats. Rinig na rinig padin ang ingay ng mga estudyante, halatang sabik na sabik na sa pag-uumpisa ng Intramurals.

"Guys, baba lang ako. Gonna pull these stunts for you," pagtutukoy ni Maika sa gagawin niyang cheerdance kasama ang mga ka-squad niya.

"Good luck, Sis," Venice happily cheered her friend.

"Fighting, Maiks! Kaya mo 'yan. Ikaw pa ba?" dagdag ni William habang malapad din ang ngiti.

"Good luck, Maiks," Xandrea added.

Sumaludo din si Craine sa kaniya. Napangiti nalang si Maika dahil sa suporta ng mga kaibigan. Pagkatapos ay kumaway na siya at tuluyan nang bumaba papuntang court.

"Let's also welcome the Grade 11! Saan na kayo Grade Eleven?!" maganang-magana ang pagkakatanong ng MC kaya sinuklian din ito ng malakas na hiyawan ng Grade 11.

"Alright! That's the spirit!"

The MC showered them with praises pagkatapos ay ang Grade 12 naman ang tinawag nito.

Nang matapos ang temperature check ay nag-umpisa na ang main program. Ilang minuto lang ang nagdaan ay nakarating nadin sila sa isa mga hinihintay ngayon- ang performance nila Maika.

"Let's all welcome the Wellton Cheering Squad!"

Rinig na rinig ang palakpakan ng mga estudyante. Nangunguna ang mga Devils sa palakpakan at hiyawan para ipakita ang suporta sa kaibigan nilang si Maika.

Dumagundong ang malakas na musika hudyat na magsisimula na ang cheering squad, at gaya ng inaasahan ng lahat, naging maganda ang performance nila Maika.

All throughout the performance, paghanga at pagkabilib ang makikita sa mukha ng mga estudyante. Ibinigay naman kasi talaga ng cheering squad ang best nila. Pang-provincial level na ang ipinakita nilang performance.

"You're so awesome kanina, Maika!" Venice squeked in joy.

"Totoo ba?" nag-aalalang tanong ni Maika. "When they catched me kanina sa ere, nagka-error sila. Hindi smooth 'yong pagkakasalo nila sakin."

"Aysus. Stop worrying there, Maiks," sabat ni William. "Ang ganda kaya ng performance niyo. Pinagsasabi mo diyan na error? Wala akong error na nakita."

"Yieeeeeee," tukso ng iba pang Devils sa kanila. Pati si Xandrea napa-yieee nadin. Natutuwa din kasi siyang tuksuhin sina Maika at William sa isa't-isa.

"Tigilan niyo nga ako," pagbabanta ni William pero hindi padin siya tinigilan ng mga kaibigan.

"Umamin ka nga. Na-fall ka na kay Maika, no?" tukso ni Venice sabay sundot sa tagiliran ng lalaki.

High SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon