Chapter 16

26 2 0
                                    

"Shame on you, Devils! Ako pa talaga ang ginagawa niyo ngayong sinungaling. Well I guess I'm lucky enough for having this video as my evidence."

Hindi na alam ni Xandrea kung ano ang gagawin niya.

Dapat ba niyang tigilan si Ken? Pero pa'no niya naman 'yon gagawin? Hindi na siya makapag-isip ng tuwid kaya imbis gumawa ng paraan ay natigilan nalang ito.

Nasa kamay na ngayon ni Ken ang kaniyang cellphone. Ilang segundo na lang katapusan na ni Xandrea at ng buong Devils.

Nag-umpisa na si Ken sa pagpindot ng kaniyang cellphone pagkatapos ay inilahad na ito sa ama ni Xandrea.

Wala na atang magagawa si Xandrea kundi tanggapin nalang ang kahahantungan ng lahat ng ito ngayon.

She was about to cry when suddenly, she heard a sound of a broken phone. Nakita niya nalang na basag na ang cellphone ni Ken dahil sa impact sa sahig.

Itinaas niya ang kaniyang mukha at nakita si Trex.

"You are saying stupid things, kid," wika ni Trex.

Nakahinga naman nang maluwag si Xandrea pati na din sina Craine at Venice matapos makitang binasag ni Trex ang cellphone ni Ken. Ibig sabihin nito, wala na siyang proweba sa mga sinasabi niya kanina.

Ken's mouth gaped open. Hindi siya makapaniwalang sa isang iglap lang, nawala na ang tanging proweba na hinahawakan niya. Hindi naman nagtagal ay nakabawi ito. "What have you done, jerk?!"

"Why? It serves you right! You're talking nonsense to destroy Xandrea."

"Nonsense?! Nagpapatawa ka ba? Kung nonsense lang naman pala ang mga sinasabi ko, bakit sinira mo pa ang cellphone ko? Natatakot kayo na may ebidensya talaga ako laban sa inyo?"

Trex laughed sarcastically. "Oh come on, kid. Just leave."

"Ayoko."

Nagmamatigas pa din si Ken kaya inilipat nalang ni Trex ang kaniyang tingin sa Daddy ni Xand. "Tito, he's talking nonsense. All of his allegations are not true. Gusto niya lang sirain si Xandrea para po masira din kayo."

"Yes, Dad." Sa wakas ay nakapagsalita na din si Xandrea. "He wants to destroy me. He's throwing false accusations towards me."

Napanganga si Ken nang ma-realized na pinagkakaisahan siya ngayon ng Devils at ng leader ng Black Society. If only there's just even one student from these few here who's not afraid of expressing his or her voice, then he can win this. Unfortunately, students here are all driven by fear.

"How dare you do that to my daughter?" Ngayon ay si Vergilio na ang nagsalita.

"Tss. One versus many, Mr. Santos. It's obvious that I can't win here. There's no one who will back me up eventhough I'm telling the truth. Ang tanging ebidensya ko ay sinira ng lalaking yan." Turo niya kay Trex.

"Pinagsasabi mo?" Nagpupuyos na din ngayon si Craine dahil sa galit. "You're playing victim now. Kung wala ka namang mabubuting sasabihin, umalis ka na."

"You got this one, devils." Pagkatapos ay nag-umpisa nang maglakad paalis si Ken. Sinundan naman siya ng tingin ng mga tao sa AV Room.

Xandrea and her three friends felt a relief after Ken went outside the room.

"Sorry for that! That was just nothing po. Someone wanted to throw prank or whatever against my daughter." Kinakausap na ngayon ni Vergilio ang mga magulang at guro na nakasaksi ng pangyayari.

Bumalik na din agad ang mga magulang at guro sa kani-kanilang ginagawa.

"Xand, you need to go to your class now. You, three, thank you for helping my daughter."

High SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon