Chapter 37

32 2 2
                                    

Nagdaan ang mga araw na patuloy lang sa pagte-text at pagtatawagan sina Xandrea at Ken sa isa't-isa.

Ngayon ay panibagong araw na naman at habang tinitingnan ni Xandrea ang repleksiyon niya sa salamin, bigla niyang naisip na 'wag nalang maglagay ng eyeliner sa mata niya.

To be honest, she's just applying it on her eyes to make her look like a rebel and a scary person. She just wanted to have that strong image for others to be afraid of her and respect her, but now, she's choosing to be herself.

"Whoa. So unusual, Enpress. You don't apply eyeliner now," wika ni Maika.

"New look, Maiks," ang tanging sagot ni Xandrea.

Sa mga araw na nagdaan, kung nagkakamabutihan sina Xandrea at Ken, napapansin naman ni Trex na parang lumalayo na sa kaniya ang loob ni Xandrea.

Hindi na sila gabi-gabi kung magtawagan, kapag magchat o magtext siya hindi naman nagre-reply sa kaniya ang babae, at kung yayain niya naman itong lumabas umaayaw din ang babae.

Ngayon ay nakatambay lang ang pitong magkakaibigan dito sa covered gym.

Vacant nila dahil may meeting ang mga teachers at dito nila naisipang tumambay dahil nadin sa suhestyon ni Sean na captain ng basketball team at Maika na captain naman ng cheerleading squad.

Habang nagbabasketball sina Sean, Craine at William, at nagchi-cheer sina Venice at Maika, naisipan ni Trex na lapitan ang ngayo'y nakaupo lang sa tabi at nagce-cellphone na si Xandrea.

"Hi, Xand," maganang bati ni Trex.

Nabigla naman si Xandrea sa pagsulpot ng lalaki.

"Uy, ikaw pala." Pagkatapos itong sabihin ni Xandrea ay bumalik na naman siya sa kakatipa sa cellphone niya.

"Xand..."

"Umh?" she responded while still using her phone.

"May sasabihin ako sayo."

"Ano 'yon?" Hindi padin siya binabalingan ng babae.

"Pwede bang bitawan mo muna 'yang cellphone mo at makinig sakin?"

Dahil sa seryosong tugon nito ay napatigil na nga ang dalaga sa kakatipa sa cellphone niya at itinaas na ang mukha para matingnan si Trex.

"Bakit? Ano ba'ng gusto mong sabihin?"

"Next week na ang exam at ang laban natin sa Raven Clan. Siguradong magiging busy ka na sa weekends kaya ngayon nalang kita aayaing lumabas. Pwede ka ba mamaya?"

Saglit na natigilan si Xandrea dahil sa tanong ng lalaki.

Bakit ngayon pa 'to ulit nang-aya na lumabas? Kung kailan naman may gagawin siyang importante.

Hihindi ba siya? Kaso 'pag ginawa niya 'to, maghihinala na talaga ang lalaki na iniiwasan nga siya nito.

Hays. Ano nalang ang gawin niya ngayon?

+

"O, bakit kanina ka pa diyan busangot, Ken?"

Gumagawa sila Tanaya at Ken ngayon ng activity sa MAPEH na sila ang magka-partner. Pansin niyang kanina pa sa classroom nakabusangot ang kaibigan kaya naisipan na niya itong tanungin.

"Wala."

"Ano'ng wala?! Kanina ka pa kaya ganiyan sa classroom. May problema ba?"

"Wala nga sabi, Tan."

"Alam ko meron kaso ayaw mo lang magkwento. Sige. Bahala ka, basta ba matapos na natin 'tong activity."

Hindi na nga nangulit pa si Tanaya pero pansin padin niya ang panghihina ng lalaki.

High SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon