Chapter 9

24 2 0
                                    

"Ma'am Xandy, gumising na po kayo. Pinapagising na po kayo ng Daddy niyo," wika ng kasambahay nila Xandrea habang mahinang niyugyog ang balikat nito.

"Naman eh! Kitang puyat pa ko eh." Bakas ang inis sa wika ni Xandrea kahit nakapikit pa ang kaniyang mga mata.

"Gumising na po kayo, Ma'am. Ako po ang mapapagalitan ni Sir."

"My gosh! Look at the clock! It's still 7 am. Gusto ko pang matulog."

"Ma'am, bumaba na po kayo. Andun na si Sir sa dining table. Baka po madagdagan ang galit niya eh." Bakas ang takot at pag-alala sa boses ng kanilang kasambahay.

Naiinis man, puyat at may hangover ay walang nagawa si Xandrea kundi bumaba at harapin ang kaniyang ama. Ramdam niya ang bigat ng kaniyang ulo habang bumaba sa dining table. Pakiramdam niya ano mang oras ay mawawasak na ito sa sobrang sakit.

"Dad," panimula ni Xand nang makita niyang nasa dining table nga ang kaniyang ama, umiinom ng kape habang may tinitipa sa kaniyang laptop. Ang aga-aga pero paniguradong trabaho na naman ang pinagkakaabalahan nito.

Ilang sandali pa ay sumagot ang kaniyang ama habang nagtitipa parin sa kaniyang laptop, "Look at yourself, Xandrea."

"Dad, I'm sorry."

Napatingin na ngayon ang kaniyang daddy sa kaniya. Compose na compose ito kung titingnan mo subalit alam ni Xandrea na galit na galit na ngayon ang ama niya.

"You're sorry? How many times have you said that to me? Many times Xandrea yet everytime you say sorry, your wrong-doings just continue to add up. Look at yourself. You're very wasted. Ganiyan ba ang isang Santos? Ganiyan ba ang magmamana ng lahat ng mga ari-arian ko?"

"Dad, I'm sorry I wasn't able to control drinking last night pero Dad I can assure you kagabi lang naman ako uminom ulit eh."

"Don't fool me, Xandrea! At sa kung sinu-sino ka pa talagang lalaki nagpapahatid."

Napakunot naman ang noo ni Xandrea matapos marinig ang sinabi ng kaniyang ama. "Lalaki?"

Bago paman lubusang maisip ni Xandrea na hindi tama ang tinanong niya sa kaniyang ama, sumigaw na si Vergilio sa kaniya. "See! Hindi mo alam na isang lalaki ang naghatid sayo dito kagabi! Ganiyan ka na ba talaga kapabaya, Xandrea?! Pa'no nalang kung pinagsamantalahan ka no'ng lalaking 'yon kagabi? My goodness, Xandrea. Hindi ka nag-iisip. O baka hindi ka nga pinagsamantalahan kasi umoo ka naman?"

"Dad!" Hindi na nacontrol ni Xandrea ang galit matapos marinig ang sinabi ng kaniyang ama. "Yan ba talaga ang tingin mo sakin?"

"You want me to answer that? Oo! Yan nga ang tingin ko sayo. Hindi ko nalang talaga alam kung ano ang magagawa ko sayo Xandrea oras na malaman ko na gumagawa ka ng ikakahiya ko! You're always like that. You're really proving to me that you are irresponsible. Sana talaga yong Kuya mo nalang ang nandito." Pagkatapos ay galit na galit na umalis ang ama ni Xandrea bitbit ang kaniyang laptop.

Xandrea, on the other hand, cannot contain herself. Umiyak nalang ito at isinubsob ang mukha sa lamesa.

"Ma'am, ipagluluto ko nalang po kayo ng sopas para kahit papano mabawasan ang hangover niyo," wika ng kanilang katulong na hindi niya man lang tinapunan ng pansin.

He's father is always like that. Dapat kung ano ang gusto niya susundin agad ni Xandrea and if Xandrea fail to do it, he will immediately compare Xandrea to her older brother na namatay sa car accident kasama ang Mommy niya.

Minsan iniisip nalang ni Xandrea na sana nga siya nalang yong namatay. Kasi kahit ano namang gawin niya palagi paring kulang kompara sa mga nagawa na ng Kuya niya. Isa pa, simula paman kasi talaga dati gusto na niya talaga ang lalaking anak niya. Her Dad thinks that a son will always be better compare to a daughter.

High SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon