Friday. This week's last day of school for most of the students but second to the last day of school for quiz bee participants of Wellton U. Another noon for Xandrea to spend here in the library.
Everything was normal except for one.
Nagugutom siya. Opo, nagugutom siya.
Hindi makapag-aral nang maayos si Xandrea dahil sa gutom.
Hindi siya kumain ng lunch dahil may tinapos siyang assignment sa research.
Bakit hindi niya nagawa kagabi?
Hanggang midnight lang naman kasi sila nagkwentuhan ni Trex sa phone kaya hindi niya nasimulan ang assignment.
Kaya ito siya ngayon, kanina pa iniinda ang pagkagutom.
"Sir Lee, excuse." Hindi na niya talaga kaya ang gutom.
"Yes, Miss Santos?"
"Can I go out?"
"Sure, but only for 5 minutes. Malapit lang naman ang CR."
"No, Sir. I'm planning to go to JH Canteen to buy some food."
Sarkastikong tumawa si Sir Lee. "'Wag ako, Miss Santos. Alam ko na 'yang mga style mo. Ilang hapon ka nang hindi nakapag-aral dito kaya 'wag ka ng magplano na umalis ulit."
Napangiwi si Xandrea sa isinagot ng guro.
Akala niya ba talaga tatakasan ni Xandrea 'tong pag-aaral?
Huminga nang malalim ang babae, nag-iisip na halos lahat naman ng guro sa Wellton nirerespeto siya bilang anak ng may-ari ng school. Ba't 'tong teacher na 'to parang hindi? Lagi siyang binoboysit.
Walang nagawa si Xandrea kundi indahin nalang ang pagkagutom at magbasa na ng libro.
Nakahawak ang kanang kamay niya sa tiyan at tinutukod naman ang kaniyang siko ng kaliwang kamay sa mesa upang masuportahan ang mukha niyang 'wag sumubsob dito.
Napapisik naman si Xandrea nang maramdaman ang malamig na plastic sa kaniyang kanang kamay. Pagtingin niya, isang skyflakes ang nandidito.
Kumislap ang mga mata niya sa nakita.
Okay na 'to. At least makakakain ako.
Masayang humarap si Xandrea sa lalaking nasa tabi niya.
"Thank you, Ken," she mouthed.
Dahil malapit lang naman sila sa isa't-isa, nilapitan siya ni Ken at binulungan, "Kainin mo na. 'Wag magpahalata. Bawal kumain dito."
Tumango lang si Xandrea at maingat na binuksan ang biskwit para hindi marinig ng iba pa nilang kasama sa table. Pagkatapos mabuksan, agad siyang kumuha ng isa at nginuya ito.
Dahil sa gutom ay hindi niya na-control ang pag-nguya ng biskwit kaya tumunog ito.
Sabay-sabay na nagtaas ng mukha ang limang estudyante at si Sir Lee, nagtataka kung ano ang tumunog galing sa pwesto ni Xandrea.
Napasapo ng noo si Ken. Agad pinigilan ni Xandrea ang pag-nguya.
Ilang saglit lang naman nang bumalik na sila sa kanilang mga binabasa.
Kumuha ulit si Xandrea ng biskwit at nginuya. This time, naging maingat na siya sa pag-nguya pero ang masaklap, tumunog padin ito kaya napatingin na naman sa kaniya ang mga kasamahan.
Pagsasabihan na sana siya ni Sir Lee nang nauna ng magsalita si Ken, "Xand, may nakita ata ako don na magandang libro. Wala dito sa listahan ni Sir. Gusto mong makita?"
Tumango si Xandrea kay Ken at agad silang tumayo para puntahan ang shelf na tinuro ni Ken.
"Ang ingay mong kumain, Xand!"

BINABASA MO ANG
High School
Novela JuvenilGENRE: Teen Fiction, Gangster LANGUAGE: Filipino & English STATUS: Completed DATE STARTED: May 16, 2020 DATE FINISHED: August 11, 2020