Chapter 23

32 2 0
                                    

Sabado na ngayon at ito ulit si Xandrea, kasama ang mga teammates niya sa quiz bee, nag-aaral. Andito pa din sila sa library kasi kahit Sabado, bukas naman ito.

Kung nagtatanong kaya ano'ng nangyari sa kanila ni Ken kahapon, well, nag-away talaga sila. Dahilan kung bakit pumunta pa sila kay Sir Lee para magtanong kung kanino ba dapat mapunta 'yong libro. Sa huli ay kay Ken naman pala talaga. Nagkamali lang si Sir Lee sa paglagay sa listahan. Nailagay niya din sa listahan ni Xandrea kahit kay Ken niya lang planong ilagay.

Kanina pa nandidito ang anim sa library at malapit nadin namang mananghalian kaya natapos na ni Xandrea ang pag-aaralan niya sa Logic.

Wala naman kasing madaming pag-aaralan sa Logic kasi nasasayo na naman ang sagot diyan. Kailangan mo lang intindihin. Hindi pareho sa ibang subject na kung hindi mo napag-aralan, wala ka talagang maiisasagot.

"'Di ba sabi ni Sir Lee kanina may budget daw tayo sa lunch? 11:30 na, nagugutom na ako," the Grade 9 complained.

"Oo nga eh," sagot din ng Grade 8.

Hindi nalang sila pinansin ni Xandrea sa halip ay kinuha nalang ang isa niyang libro sa SocSci. Sinimulan na niya itong buklatin at basahin.

"Public opinion."

Nabigla naman si Xandrea nang magsalita si Ken na ngayo'y nasa tabi na niya pala nakaupo at may hawak ding libro.

"What?"

"Public opinion 'yan. According to Bourdieu, 1979, it is a pure
and simple artefact whose function is to dissimulate the fact that the state of the opinion at a given moment is a system of forces, of tensions."

Pinandilatan siya ni Xandrea. Ito kasi ngayon ang binabasa niya at pinapakialaman na naman siya ng lalaki.

"Eh ano ngayon?" sagot niya. "Pwede ba, 'wag kang mangialam sa'kin? May binabasa ka namang sa'yo kaya 'wag kang mangialam ng sa'kin."

"Nakita ko lang kasi na SocSci na pinag-aaralan mo kaya napatingin din ako. Kasalanan ko ba na alam ko ang sagot sa binabasa mo? Tss. Magsusplada pa eh tinutulungan ka na nga."

"Hindi ko kailangan ng tulong mo."

"Sungit."

"Hindi ka ba talaga titigil?"

Nakatingin na ngayon sa dalawa ang apat pa nilang kasama. Buti nalang at wala ang librarian kaya walang magagalit sa ingay nila. Wala din halos estudyante sa loob kasi nga wala namang klase.

Sasagot pa sana si Ken nang biglang iniluwa ng pintuan si Sir Lee. "I'm already here, students. Fix your things now and just leave it here. We'll have our lunch outside. We'll be back here 1 PM sharp."

Sinunod naman ng mga estudyante ang tugon sa kanila ng teacher.

Sa isang restaurant sila na malapit lang sa school kumain. Pagkatapos ay bumalik na din naman agad sa library para mag-aral.

Nang makabalik ay hindi na SocSci ang pinag-aralan ni Xandrea kasi baka magsalpukan na naman sila ni Ken. Lumayo nadin ang dalawa sa isa't-isa para iwas gulo.

4:30 na nang pinayagan na sila ni Sir Lee umuwi. Pag-uwi ni Xand ay nahiga agad siya sa kama. Hindi niya namalayan nakatulog na pala siya.

Mag-aalas sais nadin ng nagising siya. Kinuha niya agad ang cellphone at nakitang nakailang missed calls na pala si Trex.

Agad siyang naupo sa kama at dinial ang numero ng lalaki. Agad naman itong sumagot.

"Sorry for missed calls, Trex. Nakatulog ako," bungad ni Xandrea.

"Aww. Buong araw pala kayo sa school. Kamusta? Pagod ka pa ba?"

"Oo eh. Nakakapagod."

"Sige. Saglit lang 'to. Tumawag lang naman ako para ayain ka sanang mag-date bukas. Kung... okay lang sa'yo."

High SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon