"Cole, Hintay!"
Bumaling si Cole at nakita ang humahangos na dalagita.
"Raya, ano na naman? At ilang beses ko bang dapat sabihin sa'yo na tawagin akong kuya? Isusumbong na talaga kita kay tito."
"Tawagin mo munang daddy ang daddy ko. Bleh!" Bumelat pa ito sa binata bago kumapit sa braso nito.
"Tsaka ayaw kitang kuya. Isang taon lang kaya ang tanda mo sakin." Bumusangot pa ito.
Tumigil naman sa paglalakad si Cole at pinunasan ng palad ang noo ng stepsister.
"Bakit ka ba kasi takbo ng takbo. Mamaya uubuhin ka dahil basa yang likod mo. Asan na ang towel na binigay ko kanina?"
"Cole naman eh. Binibaby mo na naman ako. Dalaga na kaya ako." Sumimangot ito at lalong hinigpitan ang kapit sa braso ng binata.
"Anong dalaga? Hindi ka nga makaayos ng sarili mo. Tingnan mo ang buhok mo sabog sabog na. Umayos ka nga. Asan na ang towel para malagay ko sa likod mo?"
"Sorry po. Nawala ko kasi. Di ko maalala kung saan ko nilapag." Nagpapaawa itong tumingala kay Cole.
"Walang dalagang nakakawala ng towel ha." Pagalit na sabi ng binata bago kinuha ang panyo sa bulsa at nilagay sa likod ng stepsister.
"Tapos na ba ang klase mo? Halika na sabay ka na umuwi sa'kin."
"Ah ..eh...kaya nga kita hinanap kasi magpapatulong ako."
"Ano na naman yun Raya?"
"Sasama kasi ako sa mga classmates ko na mag ghost hunting kaya gabi na ako uuwi. Sabihin mo kay mommy please?"
"Naku hindi pwede! Mga kalokohan yang sa'yo."
"Eh wala namang pasok bukas."
"May gagawin ako mamaya Raya. Hindi kita masusundo."
"Eh di wag mo akong sunduin. Magcocommute na lang ako."
"Hindi pwede. Mapahamak ka pa."
"Eh di sunduin mo 'ko para di ako mapahamak. Please na Cole. Love mo naman ako diba?" Tumingin ito sa mga mata ng binata na agad namang umiwas ng tingin.
"Hindi nga pwede. Pupunta ako kila Maxine mamayang gabi."
"Uunahin mo pa yun? Girlfriend mo na ba yun? Bakit hindi ka nagsasabi sa'kin?"
"Wag na maraming tanong. Uwi na tayo." Inakbayan niya papunta ng parking lot ang dalaga.
Wala namang nagawa si Raya kundi sumama na lang. Pero bakit parang may kirot nung sinabi ng binata ang pangalan ni Maxine?
And why does his nearness brought butterflies on her stomach?
YOU ARE READING
My Protector: I Love Him, It's a Secret
Fiksi PenggemarShe loves him, that's her secret He's her stepbrother at kailangan niyang pigilan ang nararamdaman. Bata pa lang sila ay mahal niya na ito. Kaya bang pigilan ang puso? ****** This is written in Taglish This is a work of fiction. Any semblance to rea...