Chapter 1Sabi nila, ang bugso ng buhay ay dapat lamang sabayan. Dahil ang bugso ng kinabuksan ay hindi pumapalya, pero lumilihis sa susunod na bukas.
Maaring ang bawat araw na dumadaan, kayang baguhin ang pang kinabuksan. Hindi lahat ng araw na dumadaan ay pumeperpekto para sa bukas, ang iba ay nagiging dahilan para manira ng kinabukasan.
"Papasok na po ako" Medyo iika-ika pa akong nagpunta papalapit kay Mama.
"Ayos ka lang,anak?" Inalalayan ako nito paupo. Kita ko parin ang itsura ni Mama mula kagabi, ang pag-aalala.Hinilot-hilot ko naman ng bahagya ang paa ko.
Kagabi ay kinausap ko si Mama na huwag ng banggitin ang nangyari kahapon,sa tuwing naiisip ko iyon ay kumakapit ang kaba sa buong katawan ko.
"Ayos lang po ako" sabi ko kay Mama ng aktong uupo siya para hilutin ang paa ko."Papasok na po ako, Ma" nagmano na lang ako sa kanya bago pumasok.
Si Papa naman ay hindi kona naabutan pa, nakapasok na kasi siya sa office niya,dahil may meeting silang gagawin.
"Manong Rey, tara na po" Aktong pagbubuksan niya ako ng pinto ay pinigilan ko siya gamit ang pagkumpas ng kamay ko.
Nakangiti naman akong sumakay ng kotse.Salamat,dahil pagkagising ko ay hindi ko na naramdaman pa ang sakit ng ulo ko.
"Salamat,paki sabi na lang po kay Mama na hahapunin po ako ng uwi mamaya" 'Yun agad ang sabi ko pagkababa ko ng kotse.
"Hindi na po kayo mag papasundo mamaya?" Natawa ako sa sarili ko. Akalain mo nga naman na hindi pa ako nadala,dahil sa nangyari kagabi.
"Mag ta-taxi na lang po ako mamaya, pero kung may emergency ay magpapasundo po ako"
"Sige po" Pumasok na ako sa loob ng school.
Kagaya ng dati ay tahimik at hindi ganon karami ang estudyante sa paligid. Mapayapa at makikita mong halos lahat ay may dalang libro at nagbabasa.
Kahit isa ay hindi ako nagkaroon ng kaibigan. Maraming gustong makipag kaibigan sa akin, ngunit ni isa ay wala akong sinang-ayunan. Hindi ko alam,siguro ay takot lang akong makisalamuha sa iba.
Minsan ay mas gusto ko pang mapag-isa at walang kumakausap. Mas gusto ko ang payapa at walang nanggugulo.
Ayokong magkaroon ng kaibigan, natatakot akong balang araw ay may masaktan ako na isa sa kanila."Uy?" Nagulat pa ako ng may kumalabit sa akin.
Nanlaki ang mga mata ko ng makita kung sino iyon. "J-Joshua?" Umayos ako ng tayo. Inayos ko rin ang pagkakasabit ng bag ko sa balikat ko."Bakit nandito ka?" Tanong ko ng makitang iba ang uniform niya.
"May kaibigan ako dito eh, may kukunin ako sa kaniya."Aniya at may ipinakita sa aki'ng folder. Nakita ko namang mga paper works iyon."Ano nga pala pangalan mo? Hindi mo pa sinasabi sa akin," inilahad pa niya ang kamay niya sa akin.
Dahan-dahan ko namang iniabot ang kamay ko sa kamay niya."Traniyha Fernandez "pakilala ko.
"Nice to meet you, Traniyha." Nakangiting aniya pa. Ngumiti naman ako nang bahagya.
"Nice to meet you too, Joshua" Natawa naman siya.Ako na ang kusang bumitaw sa kamay niya."Pagpasensiyahan mo na si Papa kagabi, nag-aalala lang siya kaya nasabi niya iyon." Pagpapaliwanag ko. Nakayuko na ako sa oras na ito.
"Ayos lang,naiintindihan ko naman." Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi niya.
"Bro!" Hiyaw ng kung sino. Nakita kong may lalaking papalapit sa amin, siguro ay siya ang kikitain ni Joshua dito.

YOU ARE READING
Huling Sandali
Novela JuvenilTraniyha, who fear to fall in love. Losing someone is one of her weakness. But she love the person so much, that she wish everything for him. She found the person that will treat her the way she dreamed of being treated. Having Joshua in her life, s...