Chapter 7"Uuwi na ako" Aniya matapos ang mahabang pagkukwentuhan namin.
Inabot kami ng 10:00 pm ng dahil don, halos 2 hours din kaming nag-usap.
Tumayo na ko at iniligpit ang pinaghigaan namin. Ipinasok ko muna iyon sa bahay bago ko siya ihatid palabas ng bahay.
"Ipaalam mo na lang ako sa Mama mo na umuwi na ako" pagpapaalala nito.
"Sige" Nakangiting sagot ko sa kaniya.
"Nawala yung inip ko,ah" Aniya at hindi pa sumasakay ng kotse niya.
"Lahat ata ng barkada mo na kwento mona sakin,eh" Natatawa naman ako nitong tiningnan sa mata.
Doon ay halos hindi na ako makakurap,dahil sa pagkakatitig niya. Nawalan ako ng lakas para alisin ang titig namin sa isa't isa.
"U-umuwi ka n-na nga" Nang makabawi ay 'yun agad ang sabi ko sa kaniya.
Natatawa pa siyang sumakay ng kotse niya. Binuksan niya ang bintana at muli na namang tiningnan ang mukha ko, hanggang sa matigil 'yon sa labi ko.
Bago pa man magtagal ang titig niya ay pinalo ko na ang balikat niya."A-alis na kasi" Nahihiya na agad ako 'yun pa lang ang sinasabi ko.
Bwisit kang Mokong ka!Pinapahina mo tapang ko kapag kaharap ka.
"Sa muling pagkikita" Sabi na naman nito.
Sa muling pagkikita,Traniyha
Sa muling pagkikita.
Ang linyang habang tumatagal, hindi ko alam kung bakit pero nasasaktan ako. Hindi ko alam kung bakit habang tumatagal,iba na sa dibdib 'yung sakit.
"S-sa muling pagkikita" Pilit akong ngumiti sa kaniya.
Nang mawala siya sa paningin ko ay hindi ako agad naka alis sa kinatatayuan ko. Nararamdaman ko yung sakit,ngunit hindi ko alam kung saan nanggagaling. Kung sa dibdib ba na nadudurog o sa dibdib na kumikirot dahil sa nararamdman.
Mahirap ipaliwanag lahat hindi ko maintindihan,wala akong maintindihan.
Pumasok na ako sa bahay at sinara na yung pinto. Napapangiti pa ako sa tuwing maaalala ko yung mga pinag kwentuhan namin ni Joshua.
F L A S H B A C K
"Edi nagmukha kang tanga?" Natatawa parin na saad ko.
"Oo,ah. Isipin mo, karami-rami ng tao tapos tinisod ako ng gago kong kaibigan" Inis na aniya pa habang ngumunguya ng sitsirya.
"Ano pa?" Lahat ng nakakahiyang pangyayari sa buhay niya ay 'yun ang ikinukwento niya. Ako naman ay tagapakinig lang sa kaniya.
Nginusuan ako nito bago nagpatuloy sa pag kukwento."Edi 'yung king inang 'yon,sinira 'yung damit ko. Pumasok tuloy ako ng butas-butas damit, napag kamalan pa 'kong basurero" Ako naman ay nakatingin sa kaniya habang tumatawa.
"Bakit dika nagpalit?" Tanong ko sa kaniya.
"Ayaw na'ko pauwiin ng mga gago. Tss" Naka simangot siya sa akin,habang ako naman ay tawa ng tawa sa kaniya. "Ikaw? Mag kwento ka naman tungkol sa mga kaibigan mo" Duon ay nawala ang pag tawa ko at pilit ngumiti sa kaniya.
"Wala akong kaibigan" Seryoso niya akong tiningnan habang nakakunot ang noo.
"Bakit naman?"
"Natatakot akong balang araw, masaktan ko lang sila" nginitian niya ako, sinuklian ko naman 'yon.
"Naiintindihan ko" Niyakap ako nito, agad din naman siyang bumitaw.

YOU ARE READING
Huling Sandali
Fiksi RemajaTraniyha, who fear to fall in love. Losing someone is one of her weakness. But she love the person so much, that she wish everything for him. She found the person that will treat her the way she dreamed of being treated. Having Joshua in her life, s...