Chapter 17

390 30 0
                                        

Chapter 17

"Ano ba kasi bibilin na'tin dito?" Hindi ko alam kung saan na kami nakakarating dahil ang Mokong na'to ay kung saan saan dumadaan,may sarili ata siyang way. Sabagay, nalaman nga niya yung number ko kahit hindi ko naman sinasabi sa kaniya.

"Maraming tao diyan eh, dito na tayo dumaan" Kabod na lang niyang hinatak ang kamay ko kaya naman halos tumama ang mukha ko sa likod niya, may pagka bastos din pala ang Mokong na'to.

"Bagalan mo namang mag lakad, kadami na ngang tao eh" Inis na saad ko.

"Aminin mo na lang na maliit lang talaga 'yang mga hakbang mo" Lalo ay iniinis niya ako, nag pupursiging inisin ako.

"Edi harutan na lang tayo dito" Sabi ko at binitawan ang kamay niya, napahinto naman siya sa pag lalakad

"S-sabi ko nga tatahimik na lang eh,h-hindi ka naman mabiro" Tumawa pa siya ng bahagya pero sinamaan ko siya ng tingin."T-tara na" Muli ay hinatak na niya ako, tss.

"Kadami naman ata niyan?" Takang tanong ko sa kaniya ng halos mapuno na ang lalagyan ng mga pinamili namin."Mabubuhat moba 'yan?"

"Oo naman, walang hindi imposible sa gwapo" At ayun na naman ang pag mamayabang niyang 'yon, akal naman niya nakakatuwa."Salamat" Pag bayad niya sa cashier.

"Akin na 'yan" Kukunin kona sana yung mabigat na isang plastik kaya ngalang ay yung puro junk food ang iniabot niya sa akin.Nginitian ko naman siya bilang pag sabi ng salamat sa kaniya.

"Lets go"

"Okay" Nakangiting saad ko at sinabayan siya sa pag lalakad.

"Wala kana bang gusto?" Siya pa talaga ang nag tanong niyan, eh siya nanga ang nag bayad lahat ng pinamili namin. Sabi ko kasi ay ako na ang mag babayad o kaya ay hati kami sa babayaran, kaya ngalang makulit...wala na'kong nagawa.

"Wala na. Sa dinami ba naman ng binili natin, may kulang pa?"

"Sabi konga wala na" Pagsuko niya habang nakanguso,dahil don ay naalala ko na naman kung ano ang ginawa niya sa akin kanina.

Napahawak ako sa labi ko habang nakatingin sa kaniya, hinalikan niya ako ng walang paalam...tsk!

Sasakay na sana kami ng kotse ng biglang may humablot ng bag ko kadahilanan para makuha niya yon."Hoy!" Agad na kumilos si Joshua at binitawan ang mga pinamili namin. Agad siyang tumakbo, ako naman ay hindi parin makagalaw dahil sa gulat.

Nandoon yung phone ko pati narin yung wallet,lahat ng mahahalagang cards ko ay nandon. Natatakot akong hindi na maipabil yon.

Nag pabalik balik na lang akp sa harap ng kotse dahil sa kaba.Pati ng mga guard sa mall ay hinahanap narin ang mag nanakaw.

Naibsan ang kaba kong makit kona si Joshua na dala na ang bag ko,nanlaki naman ang mga mata ko ng makitang may dugo ang kanang braso niya.

Dali dali akong tumakbo palapit sa kanya at sinuri ang buong katawan niya."A-ayos ka lang?!" Halos sigawan ko na siya dahil sa pag aalala.

Hinablot ko ang bag ko sa kaniya at binuksan yon. Kinuha ko ang bimpo ko ron at itinalisa braso niya, napapa ngiwi pa siya kapag nadidiinan ko ang pag kakabuhol.

"Gusto mo dalhin kita sa ospital?" Nag aalala at natutuliring sabi ko, dahil s kaba ay wala na ata sa katinuan ang pag iisip ko.

"Ayos lang ako, nahuli narin ng mga Guard yung nagnakaw ng bag mo. Matagal narin pala 'yon hinahanap dito, buti na lang at nahuli na" Paliwanag niya habang hinihingal pa.

Huling Sandali Where stories live. Discover now