Chapter 14

383 26 0
                                    


Chapter 14

Palabas kami ng bahay na'yon, ngunit napapansin kong ang tahimik ni Joshua.

"Ang tahimik mo ata?" Suminghot muna siya bago tumawa ng mahina.

"Masama lang pakiramdam ko" Diretsong pag amin nito.

"Patingin nga?" Lumapit ako sa kaniya at hinipo ang noo at leeg nito. Tama nga siya, mainit ang pakiramdam niya."Nilalagnat ka" Nag aalala na agad na saad ko.

"Ayos lang ako, wala narin yan mamaya"

"Pero nilalagnat ka parin" Pangungulit ko rito."Sa inyo tayo dumiretso" Nagulat pa siya sa sinabi ko.

"Pero gabi na, baka magalit sa akin ang Mama at Pa---"

"Ako na bahalang kumausap sa kanila, mag papaalam naman ako" Wala narin itong nagawa. Hinayaan. na lang niya ako sa gusto kong palabasin.

"Sige na nga, pero mag paalam kana ngayon" Sumakay na kaming dalawa sa kotse. Pag sakay palang ng kotse ay tinawagan ko na si Mama,hindi naman nag tagal at sinagot na niya agad ang tawag ko.

[Bakit anak? Jusko, nag aalala na kami sayo dito]. Tila ay nabunutan siya ng tinik ng marinig ako.Alam kong nag aalala sila dahil umalis ako ng hindi manlang sinabi kung saan ako pupunta.

"Ma,didiretso po ako kila Joshua" Derektang saad ko. Matagal pa bago sumagot si Mama,si Joshua naman ay nag simula ng mag maneho.

[Pero anak, gabi na] Narinig ko pa ang buntong hininga nito.

"Uuwi din po ako agad" Muli ay narinig ko ang buntong hininga nito.

[Sige, ipapasundo kita doon kapag uuwi kana] Si Mama na ang kusang nag patay ng tawag.

"Anong sabi?"

"Basta daw maaga akong uuwi" Ng may naalala ako ay agad ko iyong itinanong sa kaniya."Diba doctor ang parents mo, bakit hindi mo sila kausapin?" Malungkot ang naging buntong hininga nito.

"Wala silang time para sakin, remember?" Ngumiti pa siya ng malungkot sa akin.

Dahil sa nabuksan namin ang tungkol sa pamilya niya, naging tahimik ang loob ng kotse.

"Pwede bang hinaan ko yung aircon?Nilalamig ako eh" Aniya. Hindi kona hinayaan na siya ang mag hina non, kundi ay nag kusa na ako. Ngiti lamang ang naiganti ko sa kaniya.

"Sigurado kabang ayos ka lang?" Suminghot singhot pa siya ng bahagya bago ngumiti sa akin.

"Oo naman, wala na'to bukas" Ngumiti na lang ako pabalik sa kaniya.

Hindi na ako sumagot sa kaniya, siya naman ay pinaandar ang radio ng kotse niya. Nagk tinginan pa kaming dalawa habang natatawa.

Minamasdan kita
Nang hindi mo alam
Pinapangarap kong ikaw ay akin
Mapupulang labi
At matingkad mong ngiti
Umaabot hanggang sa langit

Si Joshua naman ay napahawak sa mukha na tila naalala ang ginawa niyang iyon, nahihiya. Ako naman ay natatawang itinuturo pa siya habang sinasabayan ko ang pag kanta.

Huwag ka lang titingin sa akin
At baka matunaw ang puso kong sabik

"Ya! Stop it" Pinipigilan niya akong kumanta ngunit hindi ako sumunod, kundi ay pinagpatuloy ko pa ang pag sabay sa kanta.

Sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling
At sa tuwing ikaw ay gagalaw
Ang mundo ko'y tumitigil
Para lang sayo
Awit ng aking puso
Sana'y mapansin mo rin
Ang lihim kong pagtingin.

Huling Sandali Where stories live. Discover now