Chapter 33"So tell me, what happened?" Naupo naman ako sa tabi nito. Nandito kami ngayon sa bahay ng Lolo at Lola ko, pinilit niya akong dito kami mag-usap.
F L A S H B A C K
Tingin ako ng tingin sa likod ko na baka sakaling gising si Joshua nung umalis ako sa bahay nila, si Mama naman ay hawak ang kanang kamay ko para pakalmahin ako.
"Ma, huwag na kaya tayong umali--"
"Traniyha!" Pinanlakihan ako ni Mama ng tingin."Isipin mo naman ang kalagayan mo" Pagsinghal nito sa akin.
Pinahid ko ang luha na bumagsak mula sa mata ko. "Anak, kailangan ka na naming ipaopera sa lalong madaling panahon.Paano kung lumala ang tumor sa utak mo at magkaroon ng komplikasyon?" Si Papa din ay sinisinghalan na ako.
"P-pero Pa"
"Wala ng pero pero, nandito na tayo kaya wala ka ng magagawa" Wala na akong nagawa kundi tahimik na umiyak. Hindi bukal sa loob ko na umalis dito, mas gusto ko sanang dito na kang mag paopera pero mas magaling daw ang doctor sa ibang bansa.
Kompleto ang gamit at mas madaling makapag pagaling. Ano mang pamimilit ang gawin ko ay hindi nila ako pinapayagan. Mas gusto ko pa nga na sa mga magulang na lang ni Joshua ako mag paopera, dahil ang sabi ni Joshua ay surgeon daw ang parehas niyang parents.
"Ma, dito na lang kay ako mag paoper--"
"Anak, ano ba?!" Napayuko na lang ako dahil sa sigaw ni Mama.
Pagkarating sa airport ay tingin parin ako ng tingin sa likod ko, nag babakasakaling baka nandoon si Joshua at masulyapan kong muli.
E N D O F F L A S H B A C K
"Sa huling sandali ng pag-alis ko, ikaw parin ang hinahanap ko" Nahiga ako sa lap nito habang siya ay inayos ang buhok ko.
"Ibig sabihin may saki--" Tinakpan ko ang bibig nito.
"Shh, listen" Pumikit ako upang maalala ang lahat.
F L A S H B A C K
Hawak ni Mama ang kamay ko bago ako dalin sa operating room, hiniling kong huwag nila akong pakikitaan ng lungkot habang natatanaw ko sila.
"Kanina nabanggit mo sa akin si Joshua, ano ba nangyari?" Bago operahan ang ulo ko ay may kumakausap sa aking tagalog na doctor.
"Siya ang lalaki na makulit, pero hindi niya hinahayaang masaktan ako. Madali lang magtampo, pero niintindihan ko" Tumango tango naman ang doctor.
"Best memories niyong dalawa" Ipinikit ko ang mata ko at inalala ang masasayang nangyari sa aming dalawa.
"Yung ipinagluto niya ako ng pinaksiw, ay este adobong manok. Tsaka nung nagpunta kami sa bundok" Napapangiti pa ako sa tuwing nakikita ko ang mga alaalang iyon.
Natataw pa ang doctor sa akin.
E N D O F F L A S H B A C K
"Hanggang matapos ang operasyon ko, ikaw parin ang iniisip ko. Hanggang sa huling sandali bago ako makatulog, ikaw parin ang iniisip ko" Hinalikan nito ang noo ko.
"Ngayon, naiintindihan kona kung bakit nag iiba iba ang reaksyon mo nung kasama kita. At naiintindihan korin kung bakit naging sweet ka nang araw nayon bago mo ako iwan" Natatawang hinatak ko siya palapit sa akin at hinalikan din sa noo.
"Ginawa ko 'yon para mawala na ang sakit ko, ginawa korin yon para sayo"
"Dapat sinabi mo sa akin, edi sana naipakiusap kita kay Mama na sila ang mag opera sayo" Nagulat pa ko ng may tumulong luha sa mata nito.
YOU ARE READING
Huling Sandali
Novela JuvenilTraniyha, who fear to fall in love. Losing someone is one of her weakness. But she love the person so much, that she wish everything for him. She found the person that will treat her the way she dreamed of being treated. Having Joshua in her life, s...