Chapter 30
Pinatay ko lang ang tv at tumabi narin pahiga kay Joshua,halata namang tulog na tulog ito. Nakangiti kong pinagmasdan ang muka niya,hinaplos kopa ang pisngi nito.
"Akala ko pagbalik ko, matutuwa ka at hahalikan mopa ako. Hindi ko naman inaakalang aabot sa ganito ang kalagayan mo, pati tuloy ako nahahawa sa kalungkutan mo" Inayos ko ang buhok na nakasablay sa gawing tenga niya. "Masaya akong nakita ka, pero hindi ko hiniling na ganito ang abutan ko."
Inayos ko ang comforter at ipinikit narin ang mga mata,hinayaan ko lang na umiyak ako sa tabi niya ng gabing iyon hanggang sa makatulugan na lang din.
Pagkagising ay dumiretso ako sa kusina at nagluto,binabawal pa ako ni Manang ngunit hindi ako nagpatinag.
"Joshua?" Ibinaba ko muna sa side table niya ang pagkain na niluto ko para sa kaniya. "Joshua?" Napalingon ako sa pinto ng biglang may kumatok doon.
"T-traniya" Nagulat pa si Renyaldo ng makitang nasa loob ako, pilit naman akong ngumiti dito.
Matagal pa ang pagkakatitig nito sa akin bago balingan ng tingin si Joshua, pilit pa siyang ngumiti sa akin.
"N-nakabalik kana pala" Pilit pa itong ngumiti.
Hindi naman ako nakasagot. Nilapitan nito si Joshua at siya ang gumising.
"Hmm" Tanging tugon ni Joshua sa panggigising sa kaniya, nagtalukbong lang ito ng kumot at natulog ulit.
"Lagi akong nagpupunta dito, kaya nagulat ako ng makitang bukas ang pinto" Inayos na lang nito ang pagkakakumot kay Joshua.
Alam kong sa araw nato, kaibigan ang kailangan ni Joshua at makakausap.
"Madalas siyang nagkakaganyan, hindi ko naman alam kung bakit dahil magaling siyang magtago ng nararamdaman. Nasasaktan, itatago. Lahat,kaya niyang itago ng pangsarili lang niya" Napapabuntong hiningang humarap pa ito sa akin."Ganyan na ang itsura niya simula ng umalis ka" Napapalunok na tumingin pa ako sa kaniya. "Alam kong magiging maayos din siya lalo na ngayon at dumating ka." Ngumiti din siya sa akin sa huli.
Ngumiti naman ako dito at bumaling na ng tingin kay Joshua, mahimbing parin ang pagkakatulog nito. "Joshua?" Tinapik ko ang balikat nito, si Reynaldo naman ay naupo na lang sa sofa malapit sa higaan ni Joshua.
"Joshua" Umayos lang siya ng higa at natulog ulit."Joshua"
"Hmmm" May pagkainis pa ng bahagya na saad nito habang nakapikit parin.
"9:00 na mahigit,hindi kapa nag uumagahan" tumagilid lang ito pakaliwa at natulog na naman,sumuko na lang ako sa panggigising dito at naupo sa paanan nito.
"Siguro nag tataka ka kung paano niyang nakuha ang phone mo ng hindi mo nalalaman" Umayos ng upo si Reynaldo.
"Nagtataka nga ako dahil hindi ko naman ibinibigay kung kani kanino lang ang phone number ko" Inayos ko ang comforter sa paanan ni Joshua.
"Siya ang nangulit sa teacher mo noon na ibigay ang phone mo, sabi pa nga ay babayaran niya ang teacher mo ibigay lang number mo" Natatawa pang kwento nito.
Kaya pala nung pumunta siya sa school ng unang araw ay para sa paper works lang niya, ang pangalawang araw ay ang pagkuha na ng number ko. Napapangiti pa ako sa tuwing iniisip kong ginawa niya iyon para sa akin.
Nawala lang ang tingin ko kay Reynald ng biglang bumangon si Joshua at mag dire-diretso sa cr,padabog pa niyang isinara ang pinto.
"Traniya, where's my Son?" Pumasok sa loob ang Mommy ni Joshua, ng malingunan ang pagkaing walang bawas ay naging matunog ang buntong hininga nito.
YOU ARE READING
Huling Sandali
Teen FictionTraniyha, who fear to fall in love. Losing someone is one of her weakness. But she love the person so much, that she wish everything for him. She found the person that will treat her the way she dreamed of being treated. Having Joshua in her life, s...