Chapter 4

465 31 0
                                    

Chapter 4

Katulad ng sinabi ni Mama, maaga akong umuwi. Gusto ko sa
nang magdahilan ng kung ano-ano, kaya ngalang hindi parin siya papayag.

"Good afternoon Dr. Eva" Pormal na bati ko sa kaniya at bahagyang yumuko. Nakangiti naman niya akong pinagmasadan, ngunit ang ngiti niya ay hindi ko makuhang suklian.

"Kamusta,hija?" Naupo naman ako,ganon din ang ginawa niya. Inayos ko muna sa tabi ko ang gamit ko bago siya muling harapin.

Ngayon ay may hawak na siyang mga papel."Ayos naman po" sagot ko matapos pakiramdaman ang sarili ko.

"Hindi ba bumabalik ang sakit ng ulo mo o kaya ay hilo?" aniya at nagsulat ng kung ano-ano sa hawak niya.

Alam kong hindi ako pwedeng mag sinungaling, magiging iba ang resulta kapag ginawa ko iyon.

"Kanina po, naramdaman ko uli" Agad akong hinarap ng doktor.

"Kanina?" Aniya na tila ay sinisigurado kung tama ba ang narinig niya.

"Opo" Nakakunot noo pa siyang nagsulat sa hawak niyang mga papel.

"Ako na kakausap sa Mommy mo, magbihis ka muna" Tumango na lang ako at hindi na nagsalita.

Kinuha ko na ang gamit ko at pumasok na sa kwarto. Pagpasok ko palang sa kwarto ay naupo ako sa kama habang sabu-sabunto ang buhok ko.

Duon na tumulo ang luha ko, ngunit pinigilan ko ang mapahikbi. Paano kung hindi naman pala gumagana lahat ng gamot na iiniinom ko?

Nabalik ako sa sarili ko ng mag-ring ang phone ko. Pinakalama ko muna ang sarili ko bago sinagot ang tawag.

"Joshua" Pinilit kong hindi mautal kahit na ang hirap.

[Traniyha, umiiyak kaba?] suminghot naman ako at pinunasan ang luha ko.

"Sinisipon lang ako.Bakit napatawag ka?" Nilagay ko sa loud speaker ang phone ko at nagbihis na.

[May gagawin kaba bukas?] Napahinto ako sa pagkuha ng damit.

"Wala naman, tapos naman na ako sa lahat ng project ko. Bakit?" Nilapitan ko ang phone at inilagay na sa tenga ko. Tinanggal ko narin ang pagkaka-loud speaker.

[Tulungan mo nga ako sa paper works ko, mali daw gawa ko eh.] Napatawa naman ako ng bahagya.

"Hindi naman ikaw gumawa non eh" Pang-iinis ko.

[Tss]

"Kailan ba ipa-pass?" Tanong ko at nagpatuloy na sa paghahanap ng damit.

[Hanggang friday] Problemadong aniya.

Wednesday na ngayon,may dalawang araw pa. Depende na lang yon kung mahirap o madali.

"Saan tayo gagawa?" Tanong ko. Pagkakuha ng damit ay naupo muna ako sa kama.

[Ng baby?] Nanlaki naman agad ang mga mata ko.

"Eh kung huwag kaya kitang tulungan?" inis na saad ko. Narinig ko namang natawa siya, dahilan para lalo akong mainis sa kaniya.

[Saan ba pwede?]

Hindi naman pwede sa bahay, baka magalit si Papa kapag nalaman niya. May pasok pa bukas kaya siguradong hindi matatapos agad yon, depende na lang kung aabsent yung Mokong nayon.

"Kahit saan, basta walang maingay" Sabi ko at pumasok na sa C. R.

[Sa bahay?]

"Baka pagalitan ako ni Papa, tsaka baka hindi naman ako payagan ni Mama" Sabi ko at nag simula ng mag toothbrush.

Huling Sandali Where stories live. Discover now