Chapter 5

444 30 0
                                    


Chapter 5

"We're here" Aniya at tinanggal ang seatbelt.Ganon din ang ginawa ko at agad na bumaba ng kotse."Don't worry, walang tao dito kung 'di mga katulong at tauhan lang namin" Tumango naman ako at naglakad na.

Malaki ang bahay nila, hindi mo masasabing bahay dahil mansyon talaga. Maraming kotse ang nakaparada, iba't ibang kulay ang mga naroon.

Mas malaki nang konti ang bahay nila kesa sa amin, ngunit hindi naman ako nagmamayabang.

"Hindi ba ako maliligaw dito?" Sabi ko pagkapasok.Sa sobrang luwang,hindi kona alam kung saan ang lusutan palabas.

"Hindi naman,nandito naman ako" aniya at hinawakan na lang kabod ang kamay ko at hinatak ako sa kung saan.

Halos mapagod na yung paa ko kakalakad. Hindi ko alam kung nasaan na kami, natatakot tuloy akong bitawan ang kamay niya.

Speaking of kamay, halos hindi ko na nakita ang dinadaanan namin,dahil sa magkahawak lang ng kamay namin ako nakatingin. 

"Aray naman" Reklamo ko sa kanya ng bigla niya akong hintakin sa kung saan papasok don."Wow" Namangha ako ng makita ko ang isang kwarto na puno ng mga libro.

"Maupo ka muna" Sa halip na sundin siya ay nilibot ko ang buong lugar na 'yon. Si Joshua naman ay may kinukuha narin na libro,siguro ay yung gagamitin para sa paper works niya.

"Pwedeng humiram ng libro?" Tanong ko sa kanya habang nagtitingin parin ako ng pwedeng mabasa don.

"Sure, pwede ka ring humingi" Namamanghang tiningnan ko siya.

"Ang dami niyong libro tapos hindi mo pa matapos paper works mo,"natatawang sabi ko. Kumuha ako ng isang libro at naupo sa tabi niya.

Mahilig din ako sa libro, ngunit wala akong sariling kwartong matatayuan ng lalagyan ng librong nabibili ko kaya sa kwarto ko lang nakalagay lahat.

"Sorry,natapos ko po 'yung paper works ko kaya ngalang hindi umubra.In short, hindi tinanggap." Inis na aniya pa.

"Tss... Let's start" Binuklat na niya ang ibang libro at nagsimulang magguhit don.

Meron pa siyang laptop na inilabas para sa mga mahahalaga. Ako naman ay nagsusulat ng iba pang mahahalaga.

"Hahanap pa 'ko ng iba" Sabi ko sa kaniya at tumayo. Lumapit ako sa mga libro at binasa iyon. Buti na lang may pamagat ang bawat corner."Here" Abot ko sa kaniya ng libro.

Hindi ako sanay na kumukuha ng meaning sa internet,mas gusto ko ang galing sa libro.

"Kukuha muna 'ko ng meryenda" Aniya. Tumango lang ako sa kaniya.

Buti naisipan niya, kagabi pa ako hindi kumakain. Tsk!

Nagpatuloy na lang ako sa pagsusulat at pag ta-type. Nagulat pa ako ng sa mismong mukha ko iniharap 'yung pagkain.

"Nang-iinis lang?" Umupo siya sa tabi ko at inayos ang ibang gamit para may mapaglagyan ang pagkain.

"Mamaya na 'yan" aniya at kinuha ang lapis sa kamay ko."Here" Inabutan niya ako ng isang tinapay at isang basong juice.

Sa tuwing nalilihis ang isip ko tungkol sa kung ano-ano, pinapasok naman ng isip ko ang sinabi ni Mama.

Mag papa-opera ka don,Anak...

At aalis din tayo dito sa lalong madaling panahon.

Bukas na ang alis natin

Huling Sandali Where stories live. Discover now