Chapter 32

409 33 0
                                        


Chapter 32

"Kay Joshua na lang po ako sasabay" Pinaglaruan naman ni Joshua ang susi sa kamay niya habang nakatingin sa Ina.

"Sure, susundan namin kayo. Dumaan muna tayo sa mall, bumili tayo ng foods" Sumakay na ito sa passenger seat,nanatili namang nakabukas ang bintana ng kotse.

"Okay Mom.Susunod na lang po kami doon, susunduin lang namin si Reynald" Sagot ni Joshua at sumakay na sa driver seat,napapabuntong hiningang sumakay na lang ako sa passenger seat.

Malapit na kami kila Reynald, ang katahimikan ay nandoon parin. Walang salitang namayani sa aming dalawa, walang tanungan o ano man.

"Saan tayo pupunta?" Pagkasakay na pagkasakay ay yoon na ang tanong ni Reynald, ng hindi siya sagutin ni Joshua ay sa akin siya bumaling ng tingin.

"S-sa amin, didiretso muna tayo sa mall" Nakangiting tumango ito."Tapos pupunta rin tayo sa tuktok ng bundok, kung saan---"

"Lets go" Pagpuputol ni Joshua sa sasabihin ko,napapabuntong hiningang umayos na lang ako ng upo at tumingin na lang sa daan.

"Here" Iniabot ko kay Joshua ang dala kong basket, walang ganang kinuha lang niya iyon at nag dire-diretso na at namili ng mabibili. Nag kabit balikat na lang sa akin si Reynald at nauna narin na maglakad.

"Traniyha, what do you want?" Nilapitan ako ng Mommy ni Joshua habang nakangiti pa.

"Nothing po" Nagulat ako ng hawakan niya ako sa braso at hatakin papunta sa kung saan.

"What's your favorite flower?" Tanong nito sa akin, nagtataka man ay itinuro ko ang kulay dilaw na tulips. Sa paligid ay iba't ibang bulaklak ang nakalagay.

"Kakaiba" Umiling iling pa ito. Akala ko ay bibili kami doon, matapos niyang malaman ang gusto ko ay umalis narin kami sa loob non at bumalik kung nasaan sila Joshua.Hanggang makarating kami doon ay hatak hatak parin niya ako."Favorite food or chocolate?" Dinala ako nito sa puro snacks.

"P-para saan po?" Nagtataka ng tanong ko.

"Wala lang, baka sakaling magkamuka tayo ng gusto." Pormal lang na sagot nito.

"Ito po" Itinuro ko ang isa sa mga snacks doon, pati narin chocolate ay itinuro ko.

"Mahilig din ako diyan" Nakangiting saad nito, ng makita sila Joshua ay inilagay niya doon ang nakuhang chocolate."Joshua, nasaan yung kasama mo?" Tanong ng Mommy nito, tama mga siya dahil wala si Reynald doon.

"May binibili lang Mom sa gawi doon" Itinuro pa nito ang kanang gawi niya.

"Good, samahan mo muna si Traniyha bumili" Itinulak ako ng Mommy nito palapit kay Joshua, aangal pa sana kami ngunit agad siyang nawala sa paningin naming dalawa.

"Lets go" Pormal na saad niya at naglakad lakad na,kumukuha din naman siya ng mabibili.

"Joshua" Humarap naman siya sa akin sandali,matapos non ay inilihis din niya agad ang tingin sa akin.

"Hmm" Tanging sagot nito.

"Hindi mo manlang ba ako tatanungin o kahit sigawan mona ako, dito mismo" Huminto ako sa paglalakad,siya din naman ay natigil.

"Tara na, marami pa tayong bibilin" Aktong lalakad siya ng higitin ko ito palapit sa akin at halikan siya sa labi, sa gulat niya ay hindi ito nakagalaw.

Hindi ko manlang binalingan ng tingin ang mga nahulog na laman ng basket. Ng maubusan na ng hininga ay bumitaw na kaming dalawa, nanlalaki pa ang mata ni Joshua.

Huling Sandali Where stories live. Discover now