Chapter 12

387 26 0
                                    


Chapter 12

"Bakit mo ginawa yon?" Pag pasok ko palang ng bahay ay 'yun na agad ang bungad sa akin ni Papa, si Mama naman ay tahimik lang sa tabi niya.

"P-pa?" Wala pa man siyang sinasabi ay nanginginig na ang paa ko,natatakot na mapagalitan.

Umupo ito sa sofa, ako naman ay naka tayo lang sa tapat niya. Si Mama man ay nakatayo sa gilid ni Papa.

Ang mga tingin ni Papa, galit agad ang makikita."Bakit mo ginawa yon?" Pag uulit nito sa tanong niya."Bakit ka pumayag na mag paligaw?"

Ang hirap mangapa ng isasagot,kahit anong salita ngayon ang gusto kong sabihin ay ni isa wala akong makapa."Traniyha" Ang seryosong pag tawag nito,kinakabahan na'ko.

"K-kasi Pa" Yun palang ang sinasabi ko ngunit hindi ko na masabi ng maayos dahil sa kaba.

"Kasi ano?" Kasi Pa ginusto korin yon. Ang tanong ni Joshua na'yon Pa ay hindi ko matanggihan, isa siya sa taong nag papasaya sa'kin. Natatakot akong mawala siya.

"K-kasi Pa--"

"Huwag kang puro kasi Pa.Matagal na kitang kinausap tungkol diyan, Traniyha. Ikaw ang nag sabi sa akin non na hindi mo gagawin 'yon hanggat hindi ka gumagaling" Seryoso man ay may halo parin na pag aalala."Huwag mo akong pag isipan ng kung ano ano, kapakanan mo lamg ang iniisip namin ng Mama mo"

Napa tingin kami ni Mama sa kaniya ng tumayo siya at nag punta sa gawing hagdan, pag tapat niya don ay huminto siya."Next week pupunta na tayong America" Aktong lalapit ako ng mag dire diretso na siya paakyat.

Next week pupunta na tayong America.

"N-next week" Sinapo ako ni Mama ng manghina ang mga tuhod ko.

Next week

"Anak" Inalalayan ako ni Mama paupo sa sofa.

"Ma, sabihin mo kay Papa na ayoko pa" Naiiyak na ako ng sabihin iyon.

"Kapag Papa mona ang nagsabi, pati ako ay hindi na niya papakinggan...basta galing sa kanya ang salita, wala ka ng magagawa"

Ang salitang linggo, hindi kona mapapalitan. Ito na ang araw na kinatatakutan ko,nag simula na namang mabuhay ang kabang mayroon ako."Tama ang ang sinabi ng Papa mo" Pamaya maya ay ani Mama.

Gulat man sa sinabi niya ay hindi kona nagawang mag salita."Ilang araw kana suka ng suka dahil sa hilo. Halos araw-araw masakit ang ulo mo, sa tingin mo ba hindi kami mag aalala?" Konti na lang ay matataasan na ako ng boses ni Mama.

Tama,wala araw na dumaan ng hindi ko hinihilot ang ulo ko dahil sa sakit o kaya ay hilo. Sa mga araw din na nag daan, hindi napipirmi si Mama sa tuwing wala ako sa paningin niya.

Natatakot siya na sa tuwing nahihiwalay ako sa kanila ay sumpungin ako ng sakit ko, yun ang kinakatakot nila. Kapakanan ko naman ng iniisip nila, at hindi naman kapakanan ng iba.Kaya sila nagagalit ay dahil sa pag aalala...Naiintindihan ko.

"Pero Ma"

"Wala ng pero pero, aalis tayo next week para sa operasyon mo" Yun lang ang sinabi niya at iniwan na niya akong mag isa na naka upo sa sofa. Ng nakatunganga lang sa dinaanan niya.

Akala ko nung oras na'yon, sa akin kampi si Mama. Alam kong wala siyang pinapanigan, pero iba ng dating ng inaasta niya.

Nakatungangang kinuha ko ang phone ko ng may mag text don.

~From Mokong~

I'm home, thanks for today.Ang sarap ng adobo ni Tita.

Huling Sandali Where stories live. Discover now