Chapter 34
"J-joshua" May emosyon na agad na saad ko. Nakangiti itong lumapit sa akin habang dala dala ang bulaklak, kung ano mismo ang itinuro ko sa mga bulaklak kanina. Ang dilaw na tulips, paborito kong bulaklak.
Ang kanang kamay ay may hawal na bulaklak, ang kaliwang kamay ay may hawak na chocolate.Kung ano ang itinuro ko kanina sa Mommy niya, yuon ang dala niya.
Tiyak akong nagpatulong ito sa mga magulang niya, mag kakasabwat sila.
Bumaling ako ng tingin sa mga magulang ko,mula doon ay nakangiti sila sa akin. Ang pamilya naman ni Joshua ay nakangiti narin sa akin, agad ko naman silang binigyan ng tingin.
Pag baling sa gawing likod ay puro lalaki ang nasa likod, kasama nila si Reynald kaya alam kong mga kaibigan ni Joshua iyon.
Nagulat pa ako ng biglang lumihis ang parehas naming pamilya,noon ko lang napansin na may mga instrumento doon. May nakaupo sa drums,ang iba ay may hawak na gitara.
Bumaling ako kay Joshua ng tingin na ngayon ay nakangiti na sa akin habang nakatingin sa mata ko,duon ay nagsimula na silang tumugtog.
You and I cannot hide
The love we feel inside
The words we need to say
Dahan dahan siyang lumapit sa akin,ang mga dala nitong bulaklak at chocolates ay iniabot nito sa akin habang kumakanta.
I feel that I have always walked alone
But now that you're here with me
There'll always be a place that I can go
Suddenly our destiny has started to unfold
Nakapikit pa siya habang kumakanta,nakangiti ko namang pinagmamasdan at pinapakinggan ang himig niya. Ang pagkakahawak nito sa mikropono ay pumipila pilantik pa. Damang dama ang pagkanta.
When you're next to me
I can see the greatest story love has ever told.
Pati ang mga kaibigan nito ay pinamamangha ako, lahat ay magagaling sa instrumento. Si Reynald man ay pinamamangha ako sa husay nitong mag gitara.
Now my life is blessed with the love of an angle
How can ut be true
Somebody to keep the dream alive
The dream I found in you
Lumapit ito sa akin habang kumakanta, ang pagkakahawak ko naman sa bulaklak ay unti-unting humihigpit. Kaba at saya ay sabay na nagsasama, dahil sa halo-halong nararamdaman
Nakangiting lumapit ito sa akin at niyakap ako, hirap man ay niyakap korin siya pabalik. Sa ganong posisyon ay pinagpatuloy niya ang pagkanta.
I always thought the love would be the strangest thing to me
But when we touch
I realize that I found my place in heaven by your side.
Natapos niya ang kanta habang magkayakap parin kami sa isa't isa. Pinunasan ko ang luha ko bago kumalas ng yakap sa kaniya, sa itsura palang niya ay makikita mo ng masaya.
"Joshua" Hinawakan nito ang magkabilang pisngi ko.
Ang mga pamilya namin ay nakangiti narin kaming pinapanood na dalawa, makikita mong masaya sila.
Tumahimik ang buong paligid, tanging kami na lamang ni Joshua ay nagkakarinigan.
"Traniyha" At ayon na naman ang boses na ginagawa ko ng musika. Sa tuwing nagsasalita siya, tila ba ay isang magandang likha ng kanta iyon.
"Nung oras na umalis ka, hindi kona alam kung paano ko pang bubuuin ang pusong sinira mo. Oras na wala ka, tanging larawan mo lamang ang nakikita ko." Nakangiti ay may emosyon parin na saad nito.
YOU ARE READING
Huling Sandali
Teen FictionTraniyha, who fear to fall in love. Losing someone is one of her weakness. But she love the person so much, that she wish everything for him. She found the person that will treat her the way she dreamed of being treated. Having Joshua in her life, s...
