Chapter 28
Traniyha's PoVOne month and two weeks later
Laking pasasalamat ni Mama at Papa sa mga doctor dito dahil hindi nagkaroon ng kumplikasyon ang operasyon ko.
Hindi naging madali ang pinagdaanan ko, kung hindi nakisama ang katawan ko ay tiyak na magtatagal pa ang araw bago simulan ang operasyon.
"Sa isang linggo makakauwi na tayo" Masiglang saad nito, nakangiti ko namang inabot ang prutas na dala ni Mama."Ito yung pinabili mong libro" Namamanghang inabot ko iyon.
Sa araw at linggong dumating, libro lang ang naging libangan ko para hindi na makapag isip pa ng kung ano ano. Kahit na laging nag babasa ay segu-segundong pumapasok sa isip ko si Joshua,wala na akong balita sa kaniya.
Natatakot akong pagbalik ko ay iba na ang tingin niya sa akin. Umalis ako ng walang paalam, iniwan ko siya ng hindi manlang nagpapaliwanag.
I know, I hurt him. Wala akong magagawang ibang paraan para may maidahilan lang. Alam kong dumaan ang araw na parehas kaming nasasaktan, sa tuwing naaalala ko palang ang mga sinabi niya sa akin nung mga nakaraan ay nasasaktan na ako.
Ngayon palang ay iniisip kona kung paano siyang haharapin o kaya ay kakausapin, hindi ko tuloy alam kung anong timpla ang ibibigay niya kapag magkaharap na kami.
They say,things happen for a reason. I ask my self the 'What if people can't hurt? Masaya kaya lahat ng tao?' God knows how much I want to slap my self everytime I have a fucking mistake for everything.
"Papa, patulong naman po" Inalalayan nito akong bumango at alalayan pa tayo.
Ako naman ay inaalalayang mabuti ang ulo ko para hindi masyadong magalaw."Naiihi kaba?" Natatawang aniya. Inayos muna nitong mabuti ang mga nakakabit sa akin bago ako magsimulang mag lakad.
"Opo eh" Inalalayan naman ako nito hanggang sa labas ng cr, si Mama naman ang sumama sa akin papasok.
"Dahan dahan" Napapangiwi naman ako kapag may nagagalaw ako sa katawan ko."May masakit ba sayo?" Tanong nito pagkatapos niya akong alalayan pabalik na sa higaan.
"Yung dextrose lang Ma, nagalaw ko kanina eh" Nakangiting tumango naman ito sa akin.
Ang sayang makikita mo sa mga labi at mata nila ay hindi matutumbasan ng kahit na ano, ako man ay masaya dahil lahat ng gusto kong gawin ay magagawa kona.
Lahat ng paghihirap na pinagdaanan ko ay natumbasan ng isang saya,wala akong pinagsisihan sa lahat ng itinaya ko.
Kinuha ko ang librong ibinigay sa akin ni Mama at binasa iyon. Hindi naman ganon kakapal kaya sandali ko lang din iyon babasahin.
Hindi ko nga alam kung paanong libro lang ang inaatupag ko sa loob ng ospital na ito.Minsan binabawal, pero nag pupumilit ako.
"Kumain ka muna, mamaya na 'yan" Kinuha sa akin ni Mama ang libro kaya naman napanguso na lang ako."Gusto mo ng apple?" Tumango naman ako sa kaniya bago sumubo ng kanin, buti na lang at nakapag luto si Mama ng adobong mano--
"Ano iluluto mo?" Tanong ko sa kaniya habang naka tingin ako sa ginagawa niya.
"Pinaksiw na manok" Sarcastic pang aniya.Hinampas ko ang balikat nito, sarap ding gilingin ng lalaking to eh.
"Ano nga kasi?!"
"Adobong manok"
Nahinto ako sa pagkain ng maalala ko ang usapan namin ni Joshua na iyon,ng mapansing natulala ako ay agad na nilapitan ako ni Mama.

YOU ARE READING
Huling Sandali
Teen FictionTraniyha, who fear to fall in love. Losing someone is one of her weakness. But she love the person so much, that she wish everything for him. She found the person that will treat her the way she dreamed of being treated. Having Joshua in her life, s...