Epilogue

553 42 2
                                        


Epilogue

"May problema ba kayong dalawa?" Pagbabasag ni Mama sa katahimikan. Nagpatuloy na lang ako sa pagkain at hindi na tiningnan ang sino man sa kanila.

"Nothing, Tita"

"We have" Ramdam ko ang biglang pagtingin nila sa aking lahat.

"K-kain pa" Utal na saad pa ni Joshua sa akin, sinunod ko naman ang sinabi niya.

Nagbalat naman ako ng isang pirasong hipon at inilagay sa plato ni Joshua,ramdam ko ang tingin niya sa akin pero hindi ko siya binabawian ng tingin.

"Thank you" Pilit na ngiti lang ang iginanti ko sa kanya bago gawing isang matulis na tingin,bigla ay tumiklop ito."S-sorry na nga"

"Hindi ako galit" Naguluhan naman siya.

"A-anong hindi ako galit?" Napapabuntong hiningang ibinaba ko ang kutsara bago uminom ng tubig,pagkainom ay tiningnan ko siya sa mata.

"Kasi sasabihin ko ayos lang yung kanina, magbabati tayo. Kapag nagbati tayo, mapapansin mong matahimik ako. Tatanungin mo ako ng tatanungin hanggang sa sabihin mong nagagalit ako. Kaya ang sagot, ko hindi ako galit" Nasabi ko iyon ng walang hinto at walang hingahan

Natigilan silang tatlo at napatingin sa akin, ako naman ay nagpatuloy sa pagkain.

"S-sabi ko nga" Utal pang sabi ni Joshua at aligagang kinuha ang kutsara niya at nagpatuloy na sa pagkain,ganon din naman ang ginawa ni Mama at Papa.

Itinabi muna namin ang binili namin kanina, plano kasi nitong Mokong na 'to na manuod ng movie. Wala naman na akong magawa dahil gusto korin naman iyon.

Natapos ang tanghalian ng tahimik. Agad rin namang nag-ayos sila Mama sa sala ng mga pagkain at panonoorin.

"Dito ka" Walang ganang naupo na lang ako sa tabi ni Joshua. Pagkaupo ay tumutok na agad ako sa pinanonood, it's action movie with romance.

"Tita" Iniabot ni Joshua kay Mama at Papa ang isang plastik na fries. Kami ay naglatag habang nakaupo sa lapag, habang sila Mama ay sa sofa.

Habang nagtatagal ang oras ay nangangawit na ako sa kinauupan ko, hindi kona alam kung ano ang pwestong gagawin ko. Nang maramdaman ni Joshua iyon ay umayos soya ng upo bago ako pahigain sa lap niya.

Siya pa ang nag-ayos ng buhok ko para makahiga ako ng maayos,nginitian ko lang siya at umayos na ng higa. Muli ay tutok ang lahat sa pinanonood.

Ngumanganga na lang ako sa tuwing sinusubuan ako ng fries o kaya ng isaw ni Joshua.

"Bakit ganon yung ending?" Inis na saad ko pagkatapos ng movie,pinahid kopa ang luhang nasa pisngi ko."Bakit pinatay yung bida?" Inis na tumayo ako mula sa pagkakahiga.

"Sabi kasi ni direct patayin yung bida, kaya ayon pinatay" Simpleng sagot ni Papa at nagdire-diretso na papunta sa kwarto nila ni Mama.

"Pero hindi naman sapat na mamatay yung bida dahil lang sa ininom na ewan na 'yon" Sa ganda at nakakakilig na movie na 'yon, sa dulo pala magiging malungkot at papatayin ang lalaking bida. "Nagsakripisyo siya, tapos ganon lang? Sino ba direktor nito?Makausap nga" Sinamaan ko ng tingin si Joshua ng mapansin kong tinatawanan na nila ako ni Mama."Ma!"

"It's just a movie,don't be mad okay?" Inis na pinatay kona ng tuluyan ang tv at pabatong ibinalik ang remote.

"Umuulan?" Hapon na at kanina pa ramdam na uulan. Sumilip ako sa labas kung saan nakasilip din si Joshua doon.

Huling Sandali Where stories live. Discover now