Chapter 10

409 28 0
                                        


Chapter 10

"Pwede bang manligaw?" Pag uulit uli ni Joshua ng tanong.

Napapalunok na tiningnan ko siya sa mata, pilit na ngiti ang ipinakita sa kaniya at dahan dahang tumango.

Sana, maintindihan mo kapag iniwan kita makalipas ng ilang buwan. Ito lang ang alam ko para mapasaya ka,sana maramdaman mong masaya din akong sumating ka sa buhay ko. Malaki ang pasasalamat ko.

"Pumapayag ka?" Nanlalaki ang mga matang aniya. Naka ngiti ko namang inulit ang pag tango sa kaniya."Yes!" Sigaw nito at bigla na lang akong niyakap.

Muli ay nag iba na ang tono ng kanta. Hinawakan pa ni Joshua ang kamay ko habang kumakanta.

I'll never go far away from you
Even the sky will tell you
That I need you so
For this is all i know
I'll never go far away from you

Nakangiti niya pang kinanta iyon. Nagulat pa ako ng bigla niya akong yakapin, nakangiti korin naman siyang ginantihan ng yakap.

"Dahil diyan, ililibre mo 'ko Bro" Ani Reynaldo habang kumakain kami.

Hindi ko manlang natanong si Joshua kung sino ang nag ayos sa lugar nato, pati ang pagkain ay magaganda ang ayos. Maraming naka hain, tiyak na hindi ka mabibitin o kaya ay sosobra dahil sakto lang ang lahat.

"Oo na oo na" Parang napipilitan pang sagot ni Joshua kay Reynaldo.

"Thanks Bro" Hindi naman na siya pinansin ni Joshua.

Nagulat pa ako ng bigla akong subuan ng pagkain ni Joshua, naka taas pa ang isang kilay niya sa akin."Kain kasi ng kain" Aniya.

"Wala kang magagawa, mahina lang talaga akong kumain" Sabi ko sa kaniya habang nginunguya ang isinubo sa aking kanin.

"Sabihin mo na lang kasing mala butiki kang kumain"

"Hindi kaya!" Muli ay sinubuan na naman niya ako. Tuloy ay hindi na ako nakapag salita.

Narinig ko pang tumawa si Reynaldo, mahina lang ityon ngunit sapat para marinig namin ni Joshua. Sabay pa namin siyang tiningnan ng masama ni Joshua. Itinaas naman niya ang dalawa niya kamay, senyales bilang pagsuko nito.

Nagpatuloy na kami sa pagkain.Halos lahat ng nakahain ay naubos namin, lahat ng iyon ay masasarap.

"Nabusog ako" Hinimas-himas kopa ang tiyan ko.

"Pati 'yung kinakain ko isinusubo ko sayo,eh" Inirapan ko naman siya.

Tumayo si Joshua at nag punta sa kotse niya. Ako naman ay kinuha ang gamot ko at agad na ininom iyon, buti na lang at hindi nakita ni Reynaldo.

Pagtingin ko kay Joshua ay palapit na siya sa akin."Smile" Aniya sa akin at itinutok ang cellphone sa gawi ko.

Ngumiti naman ako habang naka pamewang ang isa kong kamay.

Ang larawan na nag sisilbing tanda,kung kailan at saan ang alaalang iyon.Maaaring masabi nating mahalaga ang isang litrato,dahil dito natin nakikita ng mga gusto nating balikan na dumaan."Reynaldo" Tawag niya kay Reynald.

Ibinigay ni Joshua ang cellphone kay Reynaldo at lumapit sa akin. Inakbayan ako ni Joshua,ikinapit ko naman sa bewang niya ang kamay ko. Saktong pag flash ng camera ay naka ngiti na kami ni Joshua.

"Nice" Ani Joshua habang tinitingnan ang mga pictures namin.

"Patingin naman" Lumapit ako sa kaniya at tiningnan ang pictures namin sa phone.

Huling Sandali Where stories live. Discover now