Chapter 2

610 34 0
                                        


Chapter 2

[Anak?] Bungad ni Mama pagkasagot ko ng tawag niya.

"Ma?" Tanong ko at sinara muna ang libro bago ako lumabas ng room.

[Bakit hindi ka magpapasundo mamaya? ] Tiningnan ko naman ang daan kung may paparating na bang teacher. Buti na lang at wala parin.

"May dadaanan pa po ako mamaya, Ma" Narinig ko naman ang buntong hininga niya sa kabilang linya.

[Sige anak,tumawag ka sa akin kapag may problem, okay?]

Nakangiti ko namang tinanaw ang daan. Wala parin namang teacher."Opo,Ma" Siya na ang nagpatay ng tawag. Pumasok na ako sa room at muling nagbasa sa libro habang wala pa rin yung teacher.Nang dumating ang teacher ay sinimulan na niya agad ang pagtuturo.

Inayos ko na ang gamit ko pagkatunog ng bell. Paglabas ng school ay tumawag agad ako ng taxi. Kailangan kong bumili ng libro para sa ibang subjects ko. Marami rin kaming project na dapat tapusin,dahil malapit na ang bakasyon.

Dadaan pa'ko mamaya kay Papa para kunin yung ibang pina-print ko don. Paniguradong gagabihin pa ako nito.

"Salamat po" Sabi ko kay Manong pagkabayad ko ng pera.

Pagdating sa bilihan ng libro ay namili agad ako. Pati mga kailangan sa projects binili ko na rin,mahirap na at baka magkulang pa ako sa gamit.

Pagtingin ko sa wrist watch ko ay quarter to five na. Binilisan ko na ang pagbili at umalis na agad don.

Tumawag ulit ako ng taxi papunta naman sa office ni Papa. Hindi na kasi ako makakapag hintay kapag hihintayin ko pa si Papa makauwi bago ko makuha ang print. Alam kong gagabihin si Papa nang uwi.

Muli ay nagbayad ako sa driver. Sumakay na ako sa elevator at pinuntahan na ang office. Hindi ganon karami ang mga tauhan na nag kalat, dahil abala ang lahat sa mga ginagawa.

Nginingitian pa ako ng mga dumadaan, ngumingiti din naman ako pabalik sa kanila.

Kumatok muna ako sa pinto,hindi ko naman binuksan iyon hanggat hindi ko naririnig ang tugon ni Papa.

"Pasok,"pagpasok ko ay nakita kong abala si Papa sa kung ano man ang ginagawa niya.

"Pa?" Tawag ko at nag mano sa kanya paglapit. Nakangiti naman niya akong binalingan ng tingin.

"Naayos ko na anak, nilagyan ko pa 'yan ng ibang meaning kung kinakailangan. May design pa iyan, kung kulang ay mayroon pang nasa isang folder" Napangiti naman ako kay Papa.

Siya ang nag prisintan sa akin na gagawin ang iba kong projects. Yung iba ay report, yung iba ay paper works.

"Sayang naman po Pa 'yung binili kong mga pang design, dapat po libro na lang ang binili ko" Nanghihinayang na sabi ko habang napapakamot pa sa ulo.

Natatawa naman niya iniabot sa akin ang maraming folder,buti na lang at naka ayos naman na iyon.

"Nagpunta ako kagabi sa kwarto mo kaya nga lang ay tulog ka pa. Nakita ko kasing konti na lang ang bond paper mo sa table mo, kaya bumili ako ng makakapal na bond paper para may stock ka ulit" Sa saya ko ay niyakap ko siya.

"Thank you,Pa.You're the best Dad ever" Natatawa naman niyang hinagod ang buhok ko.

"Sabi ng Mama mo sa akin ay hindi ka daw nagpasundo." Umiling naman ako."Ipapasundo na kita, marami kapa namang dala" Tiningnan ko ang mga dala ko.

Hindi naman ganon karami, ngunit mabibigat. Ilang plastic din na bond paper ang meron,lahat pa ng iyon ay makakapal.

"Papunta na daw si Rey,"tumango naman ako kay Papa at naupo muna sa upuan. Hinilot hilot ko ang ulo ko para makapag-isip kung paano ko sisimulan lahat ng iyon.

Huling Sandali Where stories live. Discover now