Chapter 24
"Tama nayan, para namang mauubos natin lahat yan" Inis na sabi ko sa kaniya ng aktong mag sasalang na naman siya ng panibagong lulutuin.
"Sigurado ka?" Naninigurong tanong nito sa akin.
Tumango naman ako sa kaniya."Katulad nga ng sinabi mo, mukha akong butiki kung kumain" Tatawa tawa namang siyang naupo sa tabi ko.
Sa dami ba naman ng pagkain na nakahain sa table na pulos mga piniprito, hindi ko na lang alam kung hindi pa siya mabusog diyan.
"Parang hindi tuloy ako makakain" Nag sisising aniya. Taka ko naman siyang tiningnan.
"Bakit naman?" Kumuha ako ng inumin dahil sa pagkapuno ng laman sa bibig ko.
"Sa tagal ng yakap ko sa'yo kanina, hindi paba ako mabubusog?" Kung hindi ko natakpan ang bibig ko ay malamang na naibuga kona sa kaniya ang iniinom ko. Tatawa tawang hinagod na lang nito ang likod ko.
Hanep talaga
"Kumain ka na nga lang" Inis na kumuha ako ng french fries at isinubo ang isang dakot na iyon, ngunit iba ang naging dating sa akin ng maramdaman ko ang malambot niyang labi.
Natutulirong inalis kopa ang kamay ko sa labi niya at kumain na lang din ng kumain."Malambot ba?" Aniya matapos nguyain ang isinubo ko sa kaniya. Dinilaan pa niya ang labi niya at kinagat kagat iyon.
"Titigil o hindi?" Inis na tanong ko sa kaniya at iniamba ang kanang kamay ko sa kanya, agad naman siyang umilag.
"Titigil, pero pakiss muna" Aniya at ngumuso nguso,tinampal ko naman iyon.
"Ayan, kiss mo kamao ko" Sabi ko sa kanya, hindi naman ganon kasakit ang ginawa ko. Nakangusong hinimas na lang niya iyon.
"Basta gusto parin kita kahit suntukin mo ko habang buhay" Nakangusong nginuya parin niya ang kinakain niya.Pinagsalin ko naman siya ng juice sa baso niya kung sakaling mabulunan siya.
"Sigurado ka?" Nag yayabang na saad ko.
"Oo naman, kahit saktan mo ako araw-araw. Basta huwag mo lang akong iiwan" Napatigil man ako sa pagkain,hindi ko naman ipinahalata.
Dahil sa salita niyang iyon, bigla akong tumiklop at tumahimik ganon din naman siya. Kinain kami ng katahimikan, at tanging mga ginagalaw lang namin ang gumagawa ng ingay sa tenga.
"Traniyha?" Tanong niya sa akin ng marmdamang nakatulala n lang ako at hindi na nagagalaw ang pagkain.
"S-sorry, may sinasabi ka?" Pinilit kong huwag mautal sa pagsasalita.
"Sabi mo sa akin kanina, may pupuntahan tayo" Pag uulit niya sa sinabi niya.
"O-oo,bumalik ulit tayo sa tuktok ng bundok." Nakangiti ko pang inalala ang nangyari nung nakaraan doon."Gusto ko lang balikan kung gaano ka kasaya nung araw nayon" Nakangiti naman niya akong sinubuan ng french fries.
"Sabihin mo lang na ang gusto mong balikan don,eh yung picture kong na epic" Nakangusong aniya,ginagaya ang pagkakaepic niya.
"Medyo lang naman,gusto mo bang ulitin?" Tanong ko sa kaniya at inilabas ko ang phone ko. Itinutok ko sa kaniya ang camera, hinagod naman niya ang buhok niya at nag pagwapo."Yung epic" Ngunit kahit anong gawin kong pag pipilit sa kanya lalo pa niyang pinagagwapo sa picture ang sarili niya. Nangiinis lang.
Kuniha niya sa akin ang phone at inakbayan ako."Smile" Nag piece sign pa ako tsaka ngumiti sa camera,siya naman ay idinikit ang mukha sa kin bago i-click ang phone.
YOU ARE READING
Huling Sandali
Ficção AdolescenteTraniyha, who fear to fall in love. Losing someone is one of her weakness. But she love the person so much, that she wish everything for him. She found the person that will treat her the way she dreamed of being treated. Having Joshua in her life, s...
