Chapter 26

441 31 0
                                        

Chapter 26
Joshua's PoV

Ng magising ay kinapa ko ang katabi kong higaan, ngunit hindi ko doon naramdaman si Traniyha. Inilibot ko ang buong paningin sa kwarto, but even her jacket is not here.

"Manang?" Hinanap ko si Manang sa kusina, baka kasi mamaya ay nagpaalam sa kanya si Traniyha na uuwi na. Baka pagalitan pa ako ng mga magulang niya kapag hindi ko siya inihatid pauwi.

"Joshua, Iho. May problema ba?" Tanong nito habang nagpupunas ng kamay niya.

"Si Traniyha po, hindi poba nag paalam sa inyo na uuwi na siya?" Takang tanong ko kay Manang. Hindi naman ako nag aalala, kinakabahan lang ako na baka pagalitan ako ng mga magulang niya dahil hindi ko siya hinatid pauwi.

"Hindi Iho" Ngumiti na lang ako dito at bumalik na ulit sa kwarto.

Ng mahagip ng paningin ko ang bigay niyang regalo ay kinuha ko iyon, nakangiti ko pang binuksan.

Namangha pa ako ng makitang kami ang nakadrawing don, pag tingin ko sa bandang baba ay may pirma siya doon katunayan na siya ang umukit.

Hinawakan ko ang mukha nito, kaya ngalang ay humahawa ang pastle na ginamit niya. Maingat na itinago ko muna iyon, ipapalagay ko na lang siguro iyon sa loob ng kwarto ko.

Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan siya, pero nakapatay.

"Iho saan ka pupunta?" Takang tanong ni Manang ng makitang nakagayak ako.

"Pupunta lang po ako kila Traniyha, baka po mamaya ay siya pa ang pagalitan ng mga magulang niya. Hindi kopa naman po naihatid pauwi" Napakamot pa ako sa batok.

"Sige't mag iingat ka,Joshua" Natatawa tawa pang aniya,tumango naman ako ng bahagya bago umalis.

Habang papunta sa kanila ay tinatawagan ko parin siya."Baka lowbat lang" Yuon na lang ang nasabi ko upang hindi na mag-isip pa ng kung ano ano.

Nagulat pa ako ng pagpasok ko ay may mga tauhan na sila sa loob, may guard din sila sa labas ng bahay. "Magandang umaga po, sino po ang hanap nila?" Tanong ng guard sa akin.

"Ah, sila Traniyha poba nandiyan?" Tanong ko rito.

"Wala po sila dito, puro tauhan lang po ang nasa loob" Taka ko naman siyang tiningnan.

"But why?" Itinabi ko ang kotse at lumapit sa kaniya.

"Umalis napo sila, hindi poba sinabo sa inyo?" Umalis?

"Baka naman po naglibot lang?" Pag uulit ko rito.Hindi kona hinintay ang isasagot niya, kundi ay nag mamadali akong pumasok sa kanila.

Tama nga siya, dahil puro mga naglilinis lang ang mga nandoon. Puro katulong at sobrang linis ng bahay.

Agad akong dumiretso sa kwarto ni Traniyha, binuksan ko ang damjitan nito at lahat ay nga bawas. Napangiti pa ako ng makita ang picture naming dalawa na naka picture frame pa. Ng may makita akong sulat sa ilalim non ay binasa ko.

I love you,Joshua

At ngayon na nga lang niya sinabi yon, ay sa pamamagitan pa ng sulat. Sa tuwing sinasabi kong mahal ko siya,hindi niya iyon sinasagot.

Nakita kopa ang bulaklak na ibinigay ko sa kaniya,nasa gilid ng kama niya iyon. Hindi kona pinagtuunan ng pansin iyon, kundi ay pinuntahan ko ang buong lugar ng bahay.Nag babakasakaling makita ko manlang kahit ang magulang ni Traniyha.

"Nasaan po yung may ari ng bahag nato?" Tanong ko sa isang may katandaan na, nag pupunas siya ng lamesa.

"Nag punta na sa ibang bansa, hindi moba alam Iho?" Tila ay hindi na naging maayos ang pag iisip ko,bigla ay nawala ako sa huwisyon sa sarili ko.

Huling Sandali Where stories live. Discover now