Chapter 20

390 30 0
                                        

Chapter 20

"Sa papaanong paraan niyo nagawa 'yon ng hindi ko alam? Nang hindi namin alam" Ako naman ay naka yuko na lang at hindi na makatingin sa mga mata nito. Kung sakaling tingnan ko man ay alam kong hindi korin matatagalan."Traniyha" Napapalunok na ibinaling ko ang tingin sa kaniya.

"P-pa,w-wala naman pong nangyari" Nagulat pa ako ng bigla ay hatakin niya ako payakap sa kaniya,duon ay naiyak na ako. Siguro ay dahil sa kabang nararamdaman ko,hindi ko mawari sa kung saan nag mumula.

"Nag aalala lang si Papa, huwag mo na ulit uulitin yon ha?" Hinagod pa niya ang buhok ko para patigilin ako sa pag iyak.

"Sorry po, Pa" Naiiyak pa ring saad ko. Si Papa na ang kumalas sa yakap.

"Basta huwag munang ulit uulitin 'yon, ha?" Agad akong tumango sa kaniya at muli siyang niyakap. Nagulat pa ako ng pati si Mama ay nakiyakap narin sa amin ni Papa.

"Four days, bago tayo mag puntang America" Four days. Ani Papa habang kumakain kami ng tanghalian. Natigilan man ay hindi ko ipinahalata, nag patuloy parin ako sa pagkain kahit nawawalan na naman ako ng ganang kumain.

Ngayon palang ay pinag-iisipan kona kung paanong sasabihin kay Joshua iyon...o huwag ko nang sabihin. Wala pa kong plano, hindi ko pa alam kung papaano.

Ang alam ko lang sa ngayon ay nakakasama ko siya, nakikita ko siya. Nakausap ko, at nakakakwentuhan ko. Basta ang alam ko lang, nakikita ko siya.

"Anak? Nakikinig kaba?" Aligaga pa akong tumingin kay Mama. Siguro ng dahil sa pag iisip ay napatulala na lang ako.

"O-opo" Kahit na hindi ko naman talaga alam kung ano ang pinag uusapan. Ipinag patuloy ko na lang ang pagkain at hindi na sumabat sa kung ano man ang pinag uusapan nila. Hindi ko tuloy alam kung ano ang pinag usapan nila nung una, napunta kasi bigla tungkol sa trabaho ni Papa. Wala naman akong alam don kaya tumahimik na lang ako.

Nang matapos na kaming kumain ay bumalik na ako sa kwarto para maligo.Nag tataka ako kung bakit hanggang ngayon ay hindi parin ako tinatawagan o kaya naman ay tinetext ni Joshua.Baka busy lang o kaya ay nakatulog ulit? I don't know.

Pagka ligong pagka ligo ay tinawagan ko siya,nakailang ring pa bago niya sinagot.

"Hey, bakit dika tumawag?" Nag aalalang banggit ko. Narinig ko ang malalalim na buntong hininga niya."Are you okay?" Nandoon parin ang pag aalala ko.

[No, I'm not okay]Malungkot na aniya. Minadali ko naman ang pag bibihis, hindi kaya dahil sa family niya?Wala akong idea.

"O-okay, i'll be there in twenty minutes" Gumayak na ako ng pang-alis, dumeretso naman ako sa kwarto nila Mama. Buti na lang at nandoon silang dalawa."M-ma,I need to go" Nag mamadali akong humalik sa pisngi ni Mama at Papa.

"W-wait, where?" Takang tanong ni Mama, binuksan ko muna ang pinto bago siya sagutin. Si Papa din ay nag aabang ng isasagot ko.

"Kay Joshua po,may problema po eh" Hindi kona inantay pa ang isasagot nila, kundi ay nag dire-diretso na ako papunta kay Mang Rey para mag pa drive."Kila Joshua po" Agad din naman nitong pinaandar ang kotse.

Marami na akong naranasan na kaba,ngunit isa ito sa kakaibang kaba. Kakaibang pag aalala. Kakaibang nararamdaman.

Muntik pa akong hindi papasukin ng guard nila dahil nandoon daw ang mga magulang ni Joshua, buti na lang at napakiusapan ko si Kuyang guard.

Papasok pa lang ako ay may naririnig na akong mga nag uusap,ngunit nag patuloy parin ako sa pag pasok. Habang papalapit ng papalapit sa loob ng bahay, papalakas din nang papalakas ang sigaw ng isang babae.

Huling Sandali Where stories live. Discover now