Chapter 19"Halika na, matulog kana" Pilit ko siyang itinatayo ngunit ayaw parin niya. Nananatili siyang nakaupo at hawak parin ang bote.
"Traniyha?" Pag tawag niya sa akin, naupo naman ako sa harap niya at tiningnan siya. Halos lumaylay na ang buong katawan niya dahil sa kalasingan."Alam mo, isa kapa sa taong natatakot akong mawala. Siguro kapag umalis ka, lalo lang mag didilim ang lugar na parang buhay kona. Kasi dumating ka, dahil sayo, natutunan ko ulit ngumiti at alagaan ang sarili ko. Masaya akong makilala ka, Traniyha." Tiningnan niya ako sa mata at niyakap, hinagod ko naman ang likod niya."So please, don't leave me" Pag mamakaawa niya habang umiiyak sa balikat ko."Don't leave me" Nang matapos ang sinabi niya iyon ay dumagan na siya sa akin.
Pilit ko siyang ibinabangon ngunit nakatulog na talaga, hinayaan ko muna siya doon at iniligpit muna ang mga pinag inuman.
Agad ko rin siyang binalikan at inalalayan pahiga sa sofa, hindi ko naman na kasi kaya pa siyang dalhin sa guest room, masyado pang malayo.
Ikinuha ko na lang siyang kumot sa kwarto tsaka unan. Inasikaso ko siya hanggang sa makatulog na siya ng maayos.Iniayos ko muna ang kumot niya bago ako ako tumayo para makabalik sa kwarto.Mag lalakad na sana ako ng may humawak sa kamay ko, agad kong binalingan ng tingin si Joshua na ngayon ay hawak na ang kamay ko.
"Huwag mo 'kong iwan" Lasing paring aniya habang nakapikit. Aalisin kona sana ang kamay niya ngunit lalo niyang hinigpitan iyon."Huwag mo 'kong iiwan" Naupo ako sa tapat niya at hinaplos ang mukha niya hanggang sa titigan kona iyon.
"Hindi kita iiwan" Bulong ko sa kaniya.Hinintay ko lang na makatulog siya bago ako bumalik sa kwarto.
Pabagsak akong nahiga at napatunganga na lang sa kisame.
Huwag mo 'kong iiwan
Malungkot na napangiti ako sa sarili ko.Ang salitang 'yon ang hindi ko alam kung papaanong gagampanan. Napapabuntong hiningang ipinikit ko na lang ang mata ko at pinilit na matulog.
Siguro nga, alak ang isa sa pampatanggal ng nararamdaman ng isang tao. Pag nilunod kana ng alak, lahat ng masasakit na salita ay nasasabi mo. Nawawala kana sa sarili mo,hindi mona alam ang mga pinagsasabi mo.
Maybe,nanghingi kana ng tawad sa karelasyon mo. Pwede ring, nag tatapat kana ng hindi mo alam. Pwede ring, umiiyak kana pala ng hindi mo man lang nalalaman.
Bigla akong napamulat ng kumalabog ang pinto ko pabukas, nakita kong nag mamadaling pumasok si Joshua at dumiretso sa CR.
"Don't vomi---" Hindi ko paman naitutuloy ang sasabihin ko ay sumuka na siya doon. Agad akong tumayo at tiningnan siya mula sa labas ng CR.
Nang matapos siya sumuka doon ay tutumba tumba pa siyang lumabas,halos pati mga gamit ko ay nakakapitan na niya.Inis na tinakpan ko ang ilong ko bago linisin ang duming ginawa niya doon.
Nagulat pa ako ng pag labas ko ay nakahiga na siya sa kama ko."Joshua?" Panggigising ko sa kaniya, ngunit tulog na tulog na siya.
Nag latag na lang ako sa lapag ng higaan ko at doon nahiga. May CR naman na mas malapit sa hinigan niya kanina, dito pa talaga siya tumuloy. Dito pa niya nakuhang mag dumi sa kwarto ko.
Minuto lang ang dumaan at pati ako ay nakatulog narin."Traniyha!" Nagising ako sa malakas na sigaw ni Papa sa pangalan ko.
Aligagang idinilat ko ang mga mata at agad na tumayo mula sa pag kakahiga. Si Joahua naman ay naka upo na sa kama habang nakayuko at hindi rin makatingin sa galit na mata ni Papa.

YOU ARE READING
Huling Sandali
Fiksyen RemajaTraniyha, who fear to fall in love. Losing someone is one of her weakness. But she love the person so much, that she wish everything for him. She found the person that will treat her the way she dreamed of being treated. Having Joshua in her life, s...