Chapter 25
Katulad lang din nung nakaraan, hanggang ngayon ay namamangha parin ako sa paligid.
Nagdala ako ng jacket dahil alam kong malamig sa tuktok ng bundok. Nakakamangha na maydaan pa papuntang tuktok non, siguro ay madalang lang din ang nagpupunta doon.
Hindi man ganon kapuno,maganda parin. Hindi rin ganon kataas,masasabi mong sakto lang.
"Dito ka" Aniya pagka dating namin sa tuktok. Naupo ako sa lapag katabi niya, nag latag siya ng mauupan kasama ng mga pagkain.
"Wala paring pinagbago,maganda parin ang pagkakabilog ng buwan" Saad ko habang manghang nakatingala doon.
"Maaaring nag babago ang kulay, pero ang liwanag ay hindi" Pagpapatuloy nito. Ang malakas na hangin ay pinapasarap ang pakiramdam ko, nagiginhawahan ako.
"Tara na munang kumain" Pag aaya niya.Tumango naman ako at tinulungan siyang mag ayos ng mga kakainin.Pagkatapos mag ayos ay kumain narin kami agad.
"Water, please" Agad niyang iniabot sa akin iyon ng mapuno ang bibig ko ng pagkain.
"Dahan dahan lang kasi" Aniya at hinagod hagod ng bahagya ang likuran ko. Buti na lang at hindi na ako nahirapang huminga, sa sunod sunod na subo ko kasi ay na stuck na sa lalamunan ko.
"Thank you" Iniabot ko sa kaniya ang baso.
Kukunin kona sana ang junk food ngunit binawal niya ang kamay ko."Finish your food first" Inilayo niya iyon at dinagdagan pa ang pagkain sa plato ko.
Nakangusong nagpatuloy na lang ako sa pagkain, kahit na busog na busog na ako ay inubos ko parin ang inilagay niya sa plato ko."Drink this" Kinuha ko naman ang tubig na inabot niya.
"Busog nako" Kinuha ko ang plato ko at ibinigay sa kaniya, kinuha niya iyon at kinain ang natira kong pagkain.
"Kakaunti na lang, hindi mopa inubos" Aniya at isinubo ang huling subo.
"Eh kadami mo kayang inilagay na pagkain sa plato ko" Reklamo ko sa kaniya habang nakaturo sa platong kaharap niya.
"Tss" Tanging sagot niya at kumain na lang ulit kumain.
Ako naman ay kinuha na sa kaniya ang junk food na tinago niya kanina, ayaw man ibigay ay napilitan narin.
"Bakit ba kasi ang sama ng tingin mo sa kinakain ko?" Naniningkit ang mga matang tanong ko sa kaniya.
"Baka kasi magka U.T.I ka" Inagaw niya ang pagkain sa kamay ko.
"Bat kasi yan ang dinala mo?" Tanong ko sa kaniya at kumuha na lang ng tinapay sa plastik,buti na lang at may palaman na 'yon.
"Para sakin kasi 'yan, hindi para sayo" Wow! May pa dahilan pa si Mokong.
"Kamusta na nga pala yung kamay mo?" Pinakita naman niya ang kamay niyang may balot ng bandage."Sino nag kakabit niyan?"
"Ako lang den, ayoko namang ipagalaw kay Manang" Tumango na lang ako sa kaniya.Inilihis ko ang usapan doon dahil alam kong paglumalim ay magiging tahimik ang paligid.
Nag ligpit na kami pagkatapos kumain, inilagay lang namin iyon sa isang sulok at muling bumalik sa pagkakaupo doon.
"Dito ka" Tinapik ko ang hita ko at inayos iyon,pinahihiwatig na mahiga siya doon.
Nakangiting humiga naman siya doon ay tiningnan ang mukha ko."Sa lahat ng nakikita ko, ikaw ang pinakamaganda" Hinaplos pa niya ang pisngi ko.

YOU ARE READING
Huling Sandali
Teen FictionTraniyha, who fear to fall in love. Losing someone is one of her weakness. But she love the person so much, that she wish everything for him. She found the person that will treat her the way she dreamed of being treated. Having Joshua in her life, s...