Chapter 21F L A S H B A C K
4 YEARS AGO"Pero gusto kitang maging kaibigan" Pangungulit ni Kleyna. Kahit anong gawin kong iwas sa kaniya,lapit naman siya ng lapit.
"Hindi ko kailangan ng kaibigan" Seryosong sabi ko. Alam kong nag tataka siya kung bakit ni isa, ni isang tao ay hindi ako nag aatupag na kausapin.
"Pero bakit nga?" Pangungulit parin nito. Natigilan siya sa pag sunod sa akin ng harapin at tingnan ko siya ng seryoso.
"Hindi mona kailangang malaman" Nag tuloy tuloy na lang ako sa pag lalakad papunta kay Mang Rey para makauwi na.
E N D O F F L A S H B A C K
Bata palang ako, hindi ako lumalapit sa kung sino sino. Hindi dahil sa natatakot ako, kundi ay dahil natatakot akong masaktan sila.
Hindi ako marunong humawak,kahit isang maliit na relasyon.Maaring ngayon, natututo na ako.Dahil hindi tao ang nag turo sa akin kung paano ang mag mahal, kundi ang puso ko. Ang loob ko ang nag kusa, hindi ako.
"Ate, isaw pa nga po" Agad namang siyang nag salang ng isaw. Si Joashua naman ay panay na lang ang kain, mas marami pa atang isaw ang nakakain niya sakin. "Here" Inabot ko sa kaniya abg gulaman ng mabilaukan siya, kung makakain kasi parang mauubusan.
"Ngayon lang kasi ako nakakakin nito" Aniya at muling kumuha ng isang stick ng isaw.
"Bakit naman?" Takang tanong ko.
"Lagi lang akong nasa bahay, hindi rin ako pinapayagang kumain ni Mommy niyan,baka daw kasi marumi" Muli ay kumuha siya ng isang stick ng isaw.
"Hindi kaya, masarap nga eh" Natatawang tumango ito at tingnan ako habang kumakain. Hindi ko alam,ngunit hindi ako nakakaramdam na naiilang ako sa kaniya. Maaaring nasanay na.
"Ang ganda ng labi mo" Naibuga ko naman ang iniinom ko,nasakto naman kung kailan ako umiinom.
"Sinasabi mo diyan" Mahirap man, napigilan ko parin ang pag ngiti.
"Malambot pa" Aniya at ngumuso,inabot ko naman siya at hinampas sa balikat.
"Kumain ka na ngalang diyan" Inis na kumuha na lang ulit ako ng isa pang stick na isaw.
Minsan,nag sisimula ang lahat sa isang tingin. Sa hindi inaasahang pag kikita.
May pag kakataon naman na, tadhan mismo ang gumagawa ng daan para mag kakilala ang dalawang taong para sa isa't isa. Mahirap man ang daan, saan ka man dalhin ng mga paa mo, dadalhin ka naman nito sa tamang tao.
Maaaring minsan, hindi tayo naniniwala sa tadhana. Tama, may pag kakataong nag kakamali siya,ngunit para iyon palakasin ka.Sa huli ay dadalhin ka parin niya, sa taong karapat dapat para sa'yo.
Kailan man ay hindi nag kamali ang tandaha,ikaw mismo ang kailangang mag tiwala.
"Sigurado ka bang hindi na'tin pag uusapan ang nangyari kanina?" Tanong ko sa kaniya pagka hatid niya sa akin sa bahay.
"Pag uusapan, pero hindi pa ngayon.Kapag kailangan kita,sasabihin ko sayo agad" Ngumiti naman ako at hinawakan ang kamay niyang nilagyan ko ng benda.
"Kapag kailangan mo ng kausap, nandito lang ako. Kapag kailangan mo ng susuporta sayo, nandito lang ako.Kapag kailangan mo ng tulong,nandito lang ako. Lahat ng kailangan mo, nandidito lang ako" Pangako 'yan.
Nakangiti ko siyang niyakap at hinagod ang likod nito."Kapag kailangan mo ng oras,nandito lang ako para gawan ka ng oras na kakailanganin mo" Masiglang tumango ako sa kaniya.

YOU ARE READING
Huling Sandali
Novela JuvenilTraniyha, who fear to fall in love. Losing someone is one of her weakness. But she love the person so much, that she wish everything for him. She found the person that will treat her the way she dreamed of being treated. Having Joshua in her life, s...