Chapter 22
[Ikaw ba? Alam lahat ng mga magulang mo na may problema ka? Alam ba nila kung nasasaktan ka?Alam ba nila yung mga nararamdaman mo?] Aniya, konting konti na lang ay sisigaw na siya sa galit.
Napapalunok na umupo ako sa kama para makapag salita ng maayos."Lahat, alam nila lahat. Hanggang sa nararamdaman, hanggang sa problema alam nila" Nag tataka man ako ay pinakinggan ko parin ang mga sinasabi niya.
[Kasi ganito yan ah, makinig kang mabuti. Ako, tao rin ako, may nararamdaman ako. Nasasaktan din ako, nakakaramdam ako. May emosyon din naman ako, pero bakit hindi nila nakikita 'yon.Bakit?,ha?!] Nagulat pa ako bigla ay sumigaw siya,ngunit wala ako sa tabi niya para pakalmahin at kausapin siya.
"J-joshua, makinig ka sakin" Nagulat ako ng may marinig akong nabasag, isang gamit na nabasag."J-joshua!" Sigaw ko sa kaniya, hanggang sa tawag ay naririnig ko ang malakas na pag buntong hininga niya.
[Ganito kasi yun ah. Mahirap bang humingin ng atensyon sa mga magulang? Anak ako Traniyha, Anak nila ako!] Muli ay sigaw niya at may narinig na naman akong panibagong nabasag. Hindi naman na ako mapakali sa kinauupuan ko, hindi ko alam kung ano na ang nagyayari don.
"J-joshua,makinig ka sa akin. Ha? Nandito lang ako,huwag mong iisiping walang nag aalala sayo"
Ngayon lang ako nakakita ng taong ganon magwala katulad ng kanina kay Joshua, harap harapan niya pa mismong ginawa iyon.
Ang dugo at ang mga nabasag na gamit niya,tinakot ako at pinag alala.
[Atensyon lang naman nila ang kailangan ko, bakit hindi nila maibigay? Kasi ako, sawa na akong maiwan ulit. Sawa na akong manghingi ng atensyon sa kanila. Nung una,] Tumawa pa siya ng bahagya. [Nung una,hindi ako napapagod na humingi ng atensyon sa kanila.Pero ngayon...pagod na ako, pagod na pagod na akong manghingin ng oras.]
Wala man ako sa sitwasyon niya, nasasaktan parin ako para sa kaniya. Wala man ako sa tabi niya, pati ako ay umiiyak na.
[Oras, atensyon,pati na nga ata pagiging magaling ko sa school hindi manlang nila napapansin] Kagat labi akong nakinig sa kaniya, pinipigilang mapahikbi sa naririnig.[Isipin mo'yon? Halos hindi na ako makatulog makapag aral lang ng mabuti, halos hindi na ako makatulog kakaintay sa kanila na makasabay sa hapunan.Hanggang sa pagkain manlang Traniyha, hindi ko sila makasama] Tumawa pa ito ng bahagya kahit alam kong peke iyon.[Hindi manlang nila ako tinatanong kung ayos lang ba ako, hindi man lang nila tinatanong kung may problema ba'ko] Ako man ay nalulungkot para sa kaniya.
[I feel tired, empty and sad whenever when night comes while I'm in bed. The silence of the night reminds me of how miserable I am] Matapos ang salita niyang iyon ay pinatay na niya ang tawag.
Muli ay tinawagan ko siya ngunit naka patay na ang phone niya. Nang dahil don, nawala ang antok na meron ako. Napalitan na naman iyon ng isang malungkot na gabi,isang puno na naman ng tanong.
Sabi nila, kapag daw iniwan ka ng mahal mo ay yun na ang pinakamasakit. Pero hindi...ang mawalan ng pamilya at mawalan ng mahal sa buhay, isa sa pinakamasakit sa pakiramdam.
Yung masaya ka nga, peke naman. Bakit? Dahil kulang ka, kulang yung tao sa loob na meron ka. Iba ang tao na tao, at ang tao na hangin lang. Mag kaiba 'yon.
"Anong oras po alis natin Ma?" Uminom muna si Mama bago ako tingnan sa mata.
"Huwebes ng madaling araw" Bukas na pala yon ng madaling araw. Napapabuntong hiningang nag patuloy na lang ako sa pagkain, si Mama at Papa naman ay bumaling sa akin ng maramdaman ang buntong hininga ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/227567575-288-k699304.jpg)
YOU ARE READING
Huling Sandali
Fiksi RemajaTraniyha, who fear to fall in love. Losing someone is one of her weakness. But she love the person so much, that she wish everything for him. She found the person that will treat her the way she dreamed of being treated. Having Joshua in her life, s...