Chapter 11

405 28 2
                                        


Chapter 11

"Mag iingat ka" Paalala ko kay Joshua. Nakangiti naman niya akong muling niyakap ng mahigpit. Umaabuso na siya.

"Salamat, kasi nag tiwala ka sa'kin" Ramdam ko ang saya sa kaniya.

"Sige na" Tinapik kopa ng likod niya bago kumalas sa yakap."Mag iingat ka" Nung tumalikod siya sa akin ay kinagad ko ang labi ko para pigilan ang suka ko. Kanina kopa nararamdamang nasusuka ako, pero pinipigilan ko.

Bago sumakay ay kumaway pa siya sa akin, pilit naman akong ngumiti sa kanya at ikinaway ang bigay niyang bulaklak.

Pag alis na pag alis niya ay tumatakbo akong pumasok sa bahay, nadaanan kopa si Mama sa sofa pero hindi kona pinansin. Nag mamadali akong pumasok sa kwarto at nag dire diretso papasok sa CR.

Hindi kona alam kung saan ko nabitawan ang bigay niyang bulaklak sakin,ang alam ko lang ay nabitawan kona iyon sa kung saan.

"Anak" Nag mamadaling pumasok si Mama sa CR at hinagod ang likod ko.

Buti na lang at guminhawa ang pakiramdam ng tiyan ko, pero yung hilo ay nandoon parin.Inalalayan ako nitong mahiga sa kama at kinumutan.

Hindi kona napag abalahan pang mag palit ng damit,kundi ay inihiga kona agad ang sarili ko. Pinikit ko ang mga mata ko, hinayaan naman na ako ni Mama ng ganon.

Hindi na niya ako tinanong ng kung ano ano, kundi ay binantayan pa niya ako hanggang pag tulog ko.

Paggising ko ay wala na si Mama sa tabi ko, siguro ay nag luluto na. Maayos ayos narin naman ang pakiramdam ko.Kinuha ko ang phone ko ng mag vibrate 'yon.

"Hmm?" Humikab pa ako ng bahagya. Ni hindi ko nga manlang nakita kung sino ang tumatawag.

[Good morning] Nakangiti pa akong dumapa.

"Morning" halos maka tulugan kopa ang cellphone dahil sa antok. Nabibitaw bitawan kopa yung cellphone dahil sa antok. Anong oras palang kasi, kaya inaantok pa ako.

[Inaantok kapa?] Natatawang tanong niya.

"Hmmm" Sabi ko habang tumatango tango pa ako,kahit alam ko namang hindi niya makikita iyon.

[Okay,sleep well] Pag kasabi niya non ay hindi kona kinaya pa ang antok ko, kaya naman naiwang hindi nakapatay ang phone ko.

Nagising lang ako dahil sa kalabit ng kung sino. Hindi ko iminulat ang mata ko, ngunit umungol ako. Babalik na sama ako sa pag kakatulog ng muli ay kalabitin ako nito.

"Hmmm"

"11:00 Am na" 11 am?  Tanghali na!

Umupo ako at pinunasan ang mata ko gamit lang ang index finger ko.

"Tanghali na?" Tanong ko sa kung sino ang gumising sa akin. Bumangon ako ngunit naka pikit parin, napuyat ako kagabi sa pinuntahan namin.

"Oo, tanghalian na"

"My god!" Hiyaw ko ng makitang si Joshua ang nandoon. Naka pangalumbaba pa siya sa kama habang naka upo sa tabi ng higaan ko. "Ginagawa mo dito?" inayos ko ang suot kong damit,yun parin pala ang suot ko.

"Di kapa nag papalit?" Humanap naman ako ng idadahilan sa kaniya. Ayoko namang sabihin na dahil sa jilo ko kagabi ay hindi kona kinayang mag palit ng damit.

"Ah...P-pag dating ko kasi kagabi i-inantok nako agad" Nauutal pang saad ko. Tumayo naman siya at lumapit sa gawing pinto.

"Mag bihis kana, mag hahain na kami ni Tita" Excited na aniya. Tumango naman ako sa kaniya at ginantihan ang ngiti nito. Kumaway pa siya sa akin habang naka dungaw sa pinto bago isara ang pinto ng kwarto ko.

Huling Sandali Where stories live. Discover now