Chapter 15

391 26 0
                                    

Chapter 15

"Traniyha" Panggigising sa akin ng kung sino. "Traniyha,nagugutom ako" Agad akong napabangon ng maaalang nandito nga pala ako kila Joshua,hindi ko manlang namalayan na dito pala ako nakatulog.

"Kakain ka?" Tumango naman siya agad. Pipikit pikit pa akong bumangon mula sa pag kakatabi sa kaniya, ganon parin naman ang pwesto namin simula kagabi."Here" Sinubuan ko siya ng isang kutsarang sopas.

"Ako na" Kinuha ko ang isang mangkok na sopas at iniabot sa kaniya.

Pagka abot niya ng mangkok ay inayos ko ang unan sa likod niya para makaupo siya ng maayos at komportable.

Pinagmamasdan ko naman siya habang kumakain, alam kong napapansin niya ang pag titig kong iyon. Ngunit sinasadya kong ipahalata iyon.

"Nagagwapuhan kaba sakin?" Aniya ng hindi na makatiis sa pag titig ko sa kaniya. Lalo ko namang nilaliman ang pag titig sa kaniya at nginisihan siya ng nangiinis.

"Pano kung sabihin kung oo?" Nakangising saad ko. Natigil ito sa pagkain at sinalubong ang tingin ko.

"Alalahanin mo Traniyha, nandito ka sa kwarto ko.Kaya kong gawin lahat ng gusto kong gawin, dahil nandito ka sa teritoryo ko" Kinilabutan naman ako sa sinabi niya, ramdam kona kung ano ang pinupunto niya. Nakakapangilabot na isipin.

"Tss, k-kumain ka na n-ngalang kasi" Iiling iling pa niyang ipinag patuloy ang pagkain.Tinititigan lang eh!

Nagulat ako ng bigla ay nasamid siya, agad ko namang kinuha ang tubig at ipinainom sa kaniya."Thank you"

"Anong thank you? Bitawan mo kaya yung kamay ko" Napatingin pa siya sa akin bago tanggalin ang pagkakahawak sa kamay ko.

Nakahawak kasi ako sa baso at naka patong naman ang kamay niya doon.

Tatawa tawa namang ibinalik ko ang baso sa ibabaw ng table."Ubos na?!" Parang bumaling lang ako ng tingin,tapos...naubos na niya kaagad yung isang mangkok na sopas.

Matakaw talaga siya.

"Hmm, naiinip ako" Aktong babangon siya pero pinigilan ko.

"Matulog ka na lang ulit" Pamimilit ko rito.

"Pero naiinip ako" Pag pupumilit din niya pabalik. Sinamaan ko naman siya ng tingin kasama ang pananalisik ng mga mata ko.

Nag peace sign naman siya at nahiga na ng maayos."Kulit kulit" Tinulungan kong ayusin ang kumot na nakabalot sa kanya.

Nahinto ako sa ginagawa ko ng mag vibrate ang phone ko, kinuha ko agad sa bulsa ko iyon."Ma?"

[Hindi kapa mag papasundo?] Bago sagutin ang tanong niya ay hinipo ko muna ang noo ni Joshua, ganon parin ang init na meron siya mula kanina pa.

"Ma? Pwede pobang bukas na lang?" Alam kong hindi siya papayag na matulog ako sa kwarto ng lalaki, ng may kasamang lalaki. Depende na lang kung nag titiwala siya sa lalaking kasama ko ngayon.

[Sige anak, nag titiwala ako sayo ah?] Narinig kopa ang buntong hininga nito.

"Opo Ma, bukas na lang po ako mag papaliwanag" Nakita ko namang bumaling ang tingin sa akin ni Joshua habang naka ngiti,sinamaan ko naman siya ng tingin kaya nag peace sign siya.

[Oh sige, tumawag ka na lang bukas kapag mag papasundo kana] Muli ay paalala nito.

"Thank you Ma,tatawag na lang po ako bukas" Sinamaan ko ng tingin yung Mokong ng aktong uupo siya. Naka ngiwing nahiga ulit siya, mukha natatakot siya sa akin ngayon.

Huling Sandali Where stories live. Discover now