Chapter 6

446 29 0
                                    


Chapter 6

Sa kalagitnaan ng kwento, doon mo mararamdaman kung anong sitwasyon ang kailangan mong harapin. Sa kalagitnaan ng kwentong sinimulan mo,simula na nang pagdedesisyon mo.

"Ma" Kinakabahan na agad na saad ko. Ang kaba ko ay umakyat at dumikit sa buong katawan ko, hindi ko maalis.Hinarap ko si Mama habang ako ay nakayuko parin

Tiningnan lang ako ng seryoso ni Mama."Pumasok ka sa loob," aniya at nauna nang pumasok sa loob.

Ako naman ay hindi agad nakaalis sa kinatatayuan ko.Ilang segundo pa ang nakalipas bago ako pumasok sa bahay.Nanginginig pa akong naupo sa sofa, sa harap niya mismo.

"Saan ka nagpunta? Bakit halos dilimin kana nang uwi?" Ani Mama habang nakatayo sa mismong harap ko. Ako naman ay hindi makatingin ng diretso sa kanya.

"K-kila Joshua po" Pag sagot ko ng totoo sa kaniya. Kailan man ay hindi ako natutong mag sinungaling, kahit sa kaninong tao.

Naka halukipkip naman si Mama sa harap ko, ngayon palang ay kinakabahan nako.

"At anong ginawa mo doon?" Seryoso parin na tanong nito.

"T-tinulungan ko po siya sa paper works niya"

"At mas inuna mo payon para bukas?"

Tama, mas inuna kopa si Joshua kesa sa paghahanda para bukas.

"Ayoko pa,Ma" Narinig ko ang malakas na buntong hininga niya.

"Hon,"bigla ay narinig ko ang boses ni Papa. Kakapasok lang niya sa bahay,napatingin naman siya sa amin ni Mama."Anong nangyari?" Tanong ni Papa ng makitang nakayuko na lang ako.

"Pa,bukas na po ba talaga tayo aalis papuntang America?" Kahit konti ay pinilit kong maging pormal ang pagtatanong ko.

"Oo,Anak.Nakapag impake na rin kami ng Mama mo"

Kung matutuloy agad 'yon bukas, buwan ang aabutin namin sa America.Dipende pa 'yon kung makikisama agad ang katawan ko.

"Traniyha?" Tanong ni Mama ng mapansing hindi ako nakaimik.

Nang agad kong maramdaman ang pagbaliktad ng sikmura ko ay agad akong tumakbo sa C.R at doon sumuka. Nagmamadaling sinundan ako ni Mama at Papa.

Habang sumusuka ay hinihimas ni Mama ang likod ko.

Pagkatapos ay naramdaman ko ang ginhawa ng tiyan ko, ngunit ang hilo ay nandon parin at pinababalik na naman ang pagsakit ng tiyan ko. Para bang hinuhukay na hindi ko malaman.

"Anak, ayos ka lang? Tatawag ba ako ng doctor?" Aligagang tanong ni Papa habang inaalalayan akong muli paupo sa sofa.

"No Dad, i'm fine" Sumandal ako agad pag,-upo sa sofa.

"Are you sure?" tumingin sa akin ng maigi si Mama.Tinanguan ko lang siya at muling pumikit."But you look pale" Nag-aalala ng aniya.

"I said,i'm fine" Ganon man ang sinabi ko,may galang naman ang pagbigkas ko."Mag papahinga na po ako" Hindi naman na nila ako pinakialaman pa.

Nagpiprisinta silang aalalayan ako papuntang kwarto, ngunit ako din ang tumanggi. Pag pasok pa lang ng kwarto ay nahiga na agad ako sa kama kahit hindi pa nagbibihis.

"Anak" Hindi ko binalingan ng tingin si Mama."Na ayos ko na lahat ng dadalin mo paalis bukas,"

"Ayoko pong pumunta don,"narinig ko ang pagbuntong hininga nito.

Huling Sandali Where stories live. Discover now