Chapter 18
"Ano ba sinasabi sa'yo ng anak ko?" Rinig kong usapan nila ni Mama, ako naman ay gising ngunit nananatili paring naka pikit. Nandito parin ako sa balikat ni Joshua, nararamdaman ko.
"Marami po eh, minsan nakakatuwa, minsan masakit at minsan naman po brutal" Anak ka ng teteng."Aaminin ko po na minsan, pinapagaan niya ang loob ko. Mga dapat na ginagawa ng magulang ko, siya ang gumagawa. Nung time na duon siya natulog sa bahay, inalagaan niya ako buong gabi. Ang sarap lang po sa pakiramdam ng, kahit wala ang parents mo may nag aalaga parin sayo" Masayang saad ni Joshua. Kung alam lang nilamg gising ako ay tiyak na hindi nila pag uusapang dalawa yan.
"Minsan talaga may pagka maldita din ang batang 'yan, pero inaamin kong tapat at mabait yan" Maldita?
Gumalaw ako ng bahagya ngunit hindi parin pinahalatang gising ako, naramdaman ko naman ang kamay ni Joshua na inaayos ang ulo ko sa pag kakasandal sa balikat niya. Muli ay nag panggap akong nakatulog.
"Malaki po ang pasasalamat ko sa Anak niyo. Siguro po kung wala siya, hanggang ngayon ay madilim at wala parin akong makitang daan kung papaanong sasaya" Makahulugang aniya.
"Bakit naman Ijo?" Nakapikit man ako ay alam kong nag tataka na si Mama.
"Ah... Huwag na lang po nating pag usapan yon, hehe" Tumawa pa siya ng pilit.
At sa oras na muling lumiwanag ang daan mo,maaaring ako rin ang mag padilim non. Araw na lamg ang hinihintay ko Joshua...araw na lang.
Nalungkot man ay wala talagang magagawa,ito ang kapalaran ko... ito ang haharapin ko.
"Oh sige na't mag liligpit pa ako sa kwarto namin." Narinig kong nag lakad na palayo si Mama, si Joshua naman ay naramdama kong ibinaling ang mukha sa akin. Nagulat pa ako ng halikan niya ang noo ko, akala koba nag tatampo siya sa akin.
"Tulog mantika talaga 'tong babaeng 'to" Anak ng
Muli ay gumalaw ako, sa pag kakataong iyon ay idinilat kona ang mata ko. Nag kunyari pa akong nagulat dahil nakapatong ang ulo ko sa balikat niya."M-mahaba ba yung tulog ko?" Takang tanong ko.
Tiningnan ko sa wrist watch kung anong oras na. 4:18 pm,Wow! 3 hours akong nakatulog.
"Napasarap ata yung tulog ko" Dahil sa tabi mo ako natulog."Napuyat kasi ako kagabi" Pag dadahilan ko, kahit na alam kong napasarap talaga ang tulog ko.
"Mukha nga" Tatango tanging aniya at saka tumayo."Uuwi na siguro ako" Agad rin akong tumayo at sinundan siya habang nag lalakad palabas ng bahay.
"S-sandali, dito kana mag hapunan" Pamimilit ko sa kaniya.Mabilis siya umiling at nag lakad ulit."S-sandali,s-sorry na" Hinablot ko ang kamay niya papaharap sa akin at agad siyang niyakap."Sorry" Naramdaman ko namang hinagod niya ang buhok ko kaya napangiti ako."Sorry" Pag uulit kong muli.
"Hmmm" Tanging sagot niya,kaya naman naka simangot ko siyang hinarap.
"Galit ka parin eh" Niyakap ko ulit siya.
"Hindi" Tipid na sagot niya ngunit ramdam mong seryoso iyon. Pormal na pormal.
"Dito kana mag hapunan" Tiningnan ko siya sa mga mata.Ang hirap namang suyuin ng lalaking 'to, wala pa man ata sumasakit na ulo ko.
Tumango lang siya at inunahan akong pumasok sa bahay. Mapait man ang ngiti ko ay nabuhay naman ang loob kong dito na siya mag hahapunan. Sadyang nag tatampo lang talaga siya.

YOU ARE READING
Huling Sandali
Teen FictionTraniyha, who fear to fall in love. Losing someone is one of her weakness. But she love the person so much, that she wish everything for him. She found the person that will treat her the way she dreamed of being treated. Having Joshua in her life, s...