Chapter 23

413 28 0
                                        

Chapter 23

"Saan ba kasi tayo pupunta?" Sabi ko sa kaniya habang hinahatak niya ako pasakay sa kotse."Ya!Hindi pa ako nag papaalam" Hindi niya ako pinansin, kundi ay pinilit niya akong simakay sa kotse.

"Naipag paalam na kita" Nakangusong hinarap ko na lang siya.

Sumakay na siya sa driver seat at agad na pinatakbo 'yon. Ni wala man lang akong dalang pera,cellphone lang ang dala ko. Itong lalaking talaga 'to!

Masaya man akong kasama siya ngayon, may lungkot parin na sumisingit sa nararamdaman ko.

Sabi nila, huwag daw tayong masaktan kapag wala namang kayo. Walang lebel sa atin ang isang tao, basta mahal mo... mahal mo. Lahat ng tao ay may karapatang masaktan, malalim man o mababaw.

Sa lahat ng bagay, tayo ang pinaka madaling masaktan,tayo ang agad na nakakaramdam.

"P-pero wala akong dalang kahit ano maliban sa phone ko" Ipinakita ko sa kaniya ang nag iisa kong dala.

"I don't care"

A-anak ng...

"A-anong I don't care?" Hinampas ko ang balikat niya.

"Tss" Napakapit na lang ako sa seatbelt ng bigla niyang bilisan ang pag papatakbo ng kotse.

"N-nag mamadali ba tayo?"

"Hindi naman, pero ikaw minamadali ko" Tataas taas pa ang kilay niya, kahit sa daan lang naman nakatingin. At ako naman ang nag tataka sa sinabi niya, naguguluhan.

Tsss, Mokong nga naman...

"W-what?"

"Tss" Aniya at nginisihan na lang ako.

Inis na tinalikuran ko na lang siya at nag laro na lang sa cellphone ko.

"What are you doing?" Aniya, alam kong nililingon niya ako. Napapangisi naman ako habang ng lalaro, nangiinis.

"Nakikipag chat sa ibang boys" Pangiinis na saad ko, narinig ko ang pagsinghap niya.

"Give me your phone" Aniya habang kinakalabit ako. Lalo pa akong lumayo sa kaniya na halos isiksik kona ang sarili ko sa pinto.

"Ayaw ko nga" Mapang asar parin na saad ko habang tatawa tawa.

"Ibibigay mo o hindi?" Nagbabantang aniya.

Nilakasan ang ang sound ng phone ko para marinig ang pag tatype ko. Sinadya kong dalin sa messenger iyon at mag type ng mag type sa convo ng mga classmates ko kahit hindi ko naman sinesend.

"Ya! Ititigil mo yan o hindi?"

"Hindi po" Pang aasar ko parin sa kaniya.

"Anong hindi? Ibigay mo yung phone mo sakin" Inis ng aniya.

Sinadya ko pang iparinig sa kaniya ang pag tawa ko ng bahagya.

"Ayaw ko po"

"Ibigay mo"

"Ayaw po" Pinatay ko ang phone ko at inilagay sa kanang bulsa ko para hindi niya makuha. Tiningnan ako nito ng matalim, nag panggap naman akong natatakot ako sa kaniya.

Itinaas ko ang dalawa kong kamay bilang pag suko sa kaniya tsaka siya nginusuan.

"Saan ba kasi tayo pupunta?" Tanong ko sa kaniya.

"Secret" Sa pagkakataong iyon ay ako naman ang nainis.

"Sasabihin mo o hindi?" Inis ng saad ko.

Huling Sandali Where stories live. Discover now