Chapter 8

423 28 0
                                        


Chapter 8

"Dinner na lang tayo magpunta don, para mas feel 'yung paligid," excited akong tumango sa kaniya.

Nagpass ako agad ng mga project at paper works para agad na makaalis sa school.

"Saan muna tayo?" Takang tanong ko sa kaniya."Saan tayo mag la-lunch?" Sabay hawak sa tiyan kong nagugutom.Siya naman ay tumingin sa taas na tila iniisip ang kung ano.

"Sa'min na lang kaya?Tapos ikaw magluto ng pagkain" Pang-uuto niya habang tumataas-taas ang kilay. Hinampas ko naman ang balikat niya.

Hindi nga ako marunong magluto, paglulutuin pa niya ko. Timang!

"Kaya mo na 'yan" Inis na saad ko sa kaniya at nauna na akong sumakay sa kotse niya.

Tatawa-tawa naman siyang sumakay sa driver seat."Nagpaalam ka na ba sa Mama o kaya sa Papa mo?"

"Hindi pa,"kinuha ko ang phone at agad na tinawagan si Mama. Nakadalawang ring pa ito bago niya nasagot.

[Nak]  Nakakagat labi ako ng marinig ang boses nito. Natatakot akong baka hindi pa ako payagan, ayaw pa naman nila ng nag lilibot ako tapos hindi sila kasama.

"Ma? K-kasi po..., "hindi ko maituloy ang sasabihin ko. Nagulat ako ng kuhanin ni Joshua ang phone at siya ang kumausap.

"Pwede pobang ilibot si Traniyha?...opo... sige po... thank you po" Wala man lang akong nakitang excitement sa mata niya. Baka hindi ako pinayagan?

Iniabot na niya ang phone sa akin pagkatapos ng pag-uusap nila ni Mama."Anong sabi?" Napapalunok na tanong ko.

"Oo daw,"naguguluhan ko siyang tiningnan.

'Yun na 'yon? Oo lang? Sigurado siya?

"'Yun na 'yon? Wala man lang bang sinabing 'hindi pwede kasi may sak---" Hindi ko na itinuloy ang sasabihin ko dahil muntik ng madulas ang sarili kong labi.Taka itong tumingin sa akin ng hindi ko ituloy ang sasabihin, tumawa naman ako ng pilit.

"Ang sabi lang ng Mama mo ay huwag daw kitang dadalhin sa malayo, huwag din daw kitang hayaan na mawala sa paningin ko." Hindi na niya ipinatuloy pa ang gusto kong sabihin kanina.

Kung naituloy ko iyon ay malalaman niyang may sakit ako.

Mabuti na lang at naramdaman niyang ayokong ituloy ang sasabihin ko."Lets go then,"agad naman niyang pinaandar ang kotse.

"Sana hindi talaga ako maligaw dito" Tumatango-tangong saad ko habang tinitingnan muli ang paligid ng bahay nila.

Sa sobrag laki ng bahay na ito, nagkikita-kita pa kaya sila?

"Yah!" Sigaw ko sa kaniya ng bigla niyang hatakin ang kamay ko at hinatak na ako papasok. Muntik pa akong madapa ng dahil don.

"Manang!" Sigaw nito ng makalapit na kami sa kitchen nila."Ano ba gusto mong ulam?" Aniya at naghahalungkat ng kung ano-ano sa ref.

"Baka pwede mo nang bitiwan ang kamay ko?" sarcastic na tanong ko sa kaniya. Napalingon siya sa kamay ko at agad na binitawan iyon. Napapahiya pa niyang ibinalik ang tingin sa ref.

Tyansing ang hanep!

"Joshua, hijo?" Takang tanong sa kaniya.Yung tinawag niyang Manang kanina. Nagpupunas pa ito ng kamay, siguro ay galing sa paglalaba.

"Ok na po pala Manang,"inis ko siyang binalingan ng tingin. Aktong lalapitan ko siya ng pigilan ako ni Manang.

"Ay Manang, wala na po tayong manok sa ref?" Tanong ni Joshua.

Huling Sandali Where stories live. Discover now