Chapter 3"How about,Niccolo Paganini?" Nakangiti ko namang tiningnan si Ma'am.
Muli ay humarap ako sa mga kaklase ko."His musical skills started with playing the mandoline at the age of five." Tinuloy tuloy ko lang ang pag e-explain ko at hindi ko ipinakita ang kaba.
One week na lang ang klase namin, kaya tambak kami ng kung ano anong gawain.
"Paganini became the most famous violin virtuoso in the world."
"And some works of Niccolo Paganini?"
"Some works of Niccolo Paganini:La Campanella,24 carprices for solo violin. Op.1,Concerto no.1 in Eb, op.6,15 Quartets for guitar and strings trio and The carnival of Venice."
"Very good Miss Hernandez"
Pumalakpak naman ang mga kaklase ko. Nakahinga ako ng maluwag matapos ang report nayon.
Kahit isa pa lang ang nababawas sa gawain ko, feeling ko ang luwag na ng pakiramdam ko kahit na tambak parin ako.
Lunch time na kaya naman inimis kona ang gamit ko para pumunta na sa canteen.
Paglabas ng room ay naramdaman kong nag vibrate ang phone ko kaya naman kinuha ko iyon.
~From Mokong~
Punta ka ng canteen, naghihintay ako.
Ibinalik ko ang cellphone sa bulsa ko at lalong binagalan ang pag lalakad. Ayoko siyang kasabay, ayoko din ng may kasabay. Muli ay nag vibrate ang phone ko,sa pag kakataong iyon ay inis ko ng kinuha ang cellphone
~From Mokong~
Bagal mo namang mag lakad,natatae kaba?
~To Mokong~
King ina ka,sandali!
Ibinulsa ko na ulit iyon at minadali na ang pag laakad.
Ano na naman kaya ang ginagawa ng Mokong nayon dito. Talaga bang nag sasayang pa siya ng gas makapunta lang dito? Baka naman tinamad na namang gumaw ng paper works at pinagawa na naman sa kaibigan niya.
"Siraulo talaga yung Mokong nayan" Sabi ko sa sarili ko at nag patuloy na sa pag lalakad.
"Ano?" Napatalon ako dahil sa gulat.
"Mokong ka! Ano ginagawa mo dito?" Sabi ko at inayos ang buhok ko. Ng maisip ko kung ano ang ginawa ko ay agad kong ibinalik sa pagkakagulo iyon.
"Ayaw moba ng nandito ako" Nang aakit na sabi pa niya at inayos ang buhok ko.
Kanina sabi niya nasa canteen siya, bakit naman biglang napunta dito yung Mokong nato.
Sa pagkakataong iyon ay naisip ko na sana ay hinayaan ko nalang na inayos ko iyon. Hindi naman niya kasi naiisip ang iniisip ko. King ina kasi!
"Yah! Don't touch my hair" sabi ko. Kaya ngalang pagka sabi ko non ay naayos na niya lahat.
"Kanina kapa nakatingin sakin,tapos kanina ko parin inaayos buhok mo. Naka tunganga ka lang naman kaya hindi mo naramdaman" Aniya at pinagpag pa ang kamay niya.
"H-hindi kaya" Depensa ko kahit na alam kong tama siya.
Hindi ko nga kasi naramdaman, kainis ka naman.
"Hindi kaya...," Aniya na nangiinis."Hindi ka nakatitig sakin promise" Aniya habang nakangisi.
"Eh ano?" Bulong ko sa kaniya. Lalo pa niyang inilapit ang mukha niya sa akin at bumulong sa tenga ko.
YOU ARE READING
Huling Sandali
Roman pour AdolescentsTraniyha, who fear to fall in love. Losing someone is one of her weakness. But she love the person so much, that she wish everything for him. She found the person that will treat her the way she dreamed of being treated. Having Joshua in her life, s...