Chapter 27
"Joshua!Open this fucking door!" Nag uutos na naman na sabi ni Dad pagdating ng umaga.
Kung kailan puno na ako tsaka palang sila kikilos, bakit hindi pa nung una. Nung panahon na kailangan ko ng makakapitan.
"Joshua?" Si Mom naman ay kalmado lang sa pagkatok. Itinalukbong ko ang ulo ko sa unan at muling natulog,kahit na gumagawa sila ng ingay ay natulog ulit ako.
Ang pagsikat at ang paglubog ng araw ay nakikita ko, ang pagbagsak ng ulan at paglamig ng panahon ay nakikita't nararamdaman ko. Ang simpleng pagtingin sa buwan ang siyang nag papaalala sa lahat ng nangyari nung nga nakaraan, na sa tuwing titingin ka sa mga bituin ay mukha na niya ang nakikita ko.
Ang pagasang maging maayos ako ulit ay nawala ng biglaan, kundi ay lalong pinagulo ang sarili kong isip.
Buong buhay ko lahat peke. I faked my smile, my laughter,my pain and my real emotions. But one thing I can't fake is my love for her. At hindi ko naman inakalang iiwan mo lang ako,ng hindi ka manlang nag paalam.
I just want to sleep, straight in a whole week.Without waking up. I just want to be okay,kahit sa panaginip manlang ay maramdaman kong maging isang masaya.Maging isang maayos at walang nararamdamang kahit ano.
Araw ang dumaan,hindi na ako kumakain. Siguro kung tutuusin, talento ko ng hindi kumain ng araw at gabi. Tubig na lang ang laman ng tiyan ko, ang mga mata ko ay mugto narin.
Ang lungkot sa isip ko ay hindi nawawala. Nawawala man iyon, ngunit sa katawan ko naman pumapalit. Ang katahimikan at dilim ay lalo akong pinagiisip,hindi pinapatigil ang pagikot ng tanong sa isip ko.
LINGGO,linggo ang lumipas at puro ganon na lang ang buhay ko. Hindi kona nalalaman kung ano naba ng nangyayari sa labas ng bahay.
Ang isip ko, kaunti na lang ay mapapatay kona ang sarili ko. Depression's here with me. Ang patong patong na sakit, at lahat ng mga sakit. Lahat ng iyon ay isa isang tumutusok sa puso ko, isang masakit at mabaon na pagtusok.
"Joshua!" Nag mamadaling pumasok si Mom, ako naman ay nakakulong sa CR habang nakaupo lang doon sa isang sulok. Hindi ko alam kung paano nilang nakita ang susi ng kwarto ko, ako lang ang may susi non at nakabaon pa ang isa sa lupa.
Alam kong mabubuksan din nila ang lock dito sa CR, sama sama ang susi doon hanggang drawer ko. Yumuko na lang ako sa mga tuhod ko at duon ipinikit ang mga mata, ang mga tanong ay muli na namang umiikot sa ulo ko. Maraming tanong, ngunit iisa lang ang pinagmumulan.
"Oh my god!" Sigaw ni Mom pagbukas niya ng pinto ng CR. Hindi kona alam kung ano ang itsura ko, ngunit natitiyak kong bumagsak ang kilo sa katawan ko dahil sa hindi pagkain ng ilang linggo. Ang labi ay tuyo narin, ang mga luha ay sumabay naring matuyo.
"Joshua" Lumapit sa akin si Dad at inakay ako,ni hindi kona maiangat ang sarili ko dahil sa panghihina. Gustong gusto ko ng bumagsak, pero hindi ko magawa. Nag hihintay parin ko hanggang ngayon kay Traniyha,at hindi ako mag sasawang mag hintay basta dumating lang siya dito.
"Drink this" Inaabot nila sa akin ang tubig ngunit hindi ko iyon binalingan ng tingin, kundi ay nakayuko lang ako at nalatingin sa mga paa ko habang nakayuko."Joshua?" Malungkot na saad ni Mom at umupo sa harap ko para mag pantay kaming dalawa.
Hinawakan nito ang magkabila kong pisngi,ang pag aalala niya ay nandoon ngunit tiningnan ko lang siya ng may nga napapagod na mata."What do you want to eat?You want to go to the mall? Out of the country with friends?What?" Aligagang tanong nito sa akin.
"Traniyha" Saad ko rito at nahiga na ako sa kama."Leave me alone" Nag talukbong ako ng kumot at ipinikit na ang mga mata.
"No,hindi ka namin pababayaang mag isa dito. Natatakot kami na may gawin kang kakaiba, Joshua" Rinig kong pamimilit ni Mom.
YOU ARE READING
Huling Sandali
Novela JuvenilTraniyha, who fear to fall in love. Losing someone is one of her weakness. But she love the person so much, that she wish everything for him. She found the person that will treat her the way she dreamed of being treated. Having Joshua in her life, s...