Chapter 9"Nood muna tayong movie" Aya naman nito.
"Where?" Hindi niya ako sinagot,kundi ay hinatak na lang niya ako sa kung saan.
Pumasok kami sa kwarto, isang malaking kwarto."Wow! Kaninong kwarto 'to?" Nilibot ko ang paningin ko sa buong kwartong iyon.
Lahat ng gamit sa loob ay halata mong mahal, at lahat ng iyon ay magaganda.
"Akin" bulong niya sa tenga ko, nilandian pa niya ng bahagya iyon.
Ay gago!
"Don't come near me" Banta ko sa kaniya. Tatawa tawa naman siyang lumayo sa akin at binuksan ang tv.
"Ano bang movie hilig mo?" Tanong nito.
"Marami akong movie sa phone" Pinag laruan kopa sa kamay ko iyon.
"Connect mo sa tv" Ginawa ko naman kung ano ang sinabi niya.
"Ano ba gusto mo?" Tanong ko sa kaniya. Kinuha niya ang phone ko at nag search ng kung ano ano.
"Final destination" umaangat angat pa ang kilay na aniya.
The fuck!
"Huwag naman yon, hehe" Hindi ako nito pinakinggan. Kundi ay tatawa tawa niyang pinindot ang movie nayon.
Hanep naman!
Habang nanonood ay halos hindi ko naman napanood yung movie, naka takip lang ang kamay ko sa mukha ko.
Nang mapansin iyon ni Joshua ay hinawi niya ang kamay ko at iniharap ang mukha ko sa gawing tv. Saktong sakto pa na bumulagta ang isang babae.
Masyadong brutal!
"Panoorin mo kasi" Aniya sa akin ng ipikit ko ang mata ko.
"Kadiri naman niyan"
"Hindi.Tatawa tawa pa nga yan kapag nasa shooting eh" Hinampas ko naman ang balikat niya.
"Iba na lang kasi!" Ako na ang kumuha ng phone at nag hanap ng ibang movie na mapapanood.
Pumayag naman siya sa gusto ko. Sinabayan din niya ako sa panonood non, sa pag tawa kahit sa lungkot ng kwento ay sinusubay bayan naming dalawa.
Inaabutan pa niya ako ng tissue kapag iyakan na ang palabas."Wala ka bang pa pop corn diyan?" May luha pang sabi ko sa kaniya.
"Wait,kukuha ako" Tapos ay iniwan na niya akong mag isa don.
Ang kwentong iyon ay iniwan ng babae ang lalaki ng mag isa. Hanggang sa umabot yung lungkot ng lalaki na gusto na niyang mag pakamatay. Isang nakakalungkot na pangyayari.
Kahit ganon ang nangyari, at least naramdaman nila kung ano ang tunay na pagmamahal...kahit isang beses lang.
"Here" Inabot nila sa akin ang isang bowl na pop corn. Kinain ko naman iyon hababg umiiyak parin, ang tragic naman kasi.
"Ikaw pumili ng movie nayan, huwag mong iyakan" Hinagod pa niya ang likod ko.
"Kasi, hindi ko naman alam na tragic ang ending niyan" Naiiyak pang saad ko. Niyakap naman ako nito.
Nang magtagal ay noon ko lang na realize kung ano ang itsura namin ngayon.
"Tsansing ka ah" Mapanukso naman ang tingin niya sa akin.
"Tss" Nakikain na lang din ng pop corn sa akin at nanood na ulit.
"Anong oras na?" Tanong ko nung matapos na yung movie.

YOU ARE READING
Huling Sandali
Fiksi RemajaTraniyha, who fear to fall in love. Losing someone is one of her weakness. But she love the person so much, that she wish everything for him. She found the person that will treat her the way she dreamed of being treated. Having Joshua in her life, s...