Chapter 16"Nak oh" Iniabot sa akin ni Mama yung gamot kaya naman agad kong kinuha iyon, nakakaramdam narin kasi ako ng kakaiba sa ulo ko.
"Ma? Ano po yung sabi nung doctor kahapon?" Natigilan man siya ay agad ding ngumiti ng bahagya sa akin.
"W-wala naman" Hindi ko tuloy alam kung nag sasabi siya ng totoo o kaya ay talagang may itinatagong kakaiba sa akin.
"Sige po" Ininom ko na ang gamot at muling pinakiramdaman ang sarili ko.
Nawala ang pagkaka titig sa akin ni Mama ng mag vibrate ang phone ko sa lamesa. Si Papa naman ay gumagayak na,hindi ko tuloy alam kung saan siya pupunta. Kung may meeting or what,hindi niya kasi sinabi samin ni Mama.
Agad kong sinagot ang phone ng makitang si Joshua ang tumatawag, nakalimutan kong tumawag s kaniya pagdating ko kanina.
[Ya! Kanina kopa inaantay yung tawag mo!] Bulyaw niya sa kabilang linya, tila ay wala siyang sakit ngayon.
"Sorry, nakalimutan ko" Napakamot pa ako sa ulo kahit alam ko namang hindi niya makikita 'yon.
[Nakauwi kana?] Bigla ay naging mapang-inis ang tinig niya,nang-aasar.
"Oo, may kasamang lalaki" Nangiinis ding tinig ko.
Sumenyas naman si Mama na aalis na, kaya nginitian ko na lang ito. Ako din ay tumayo na at dumiretso na sa kwarto ko para makapag bihis narin.
[Sinong lalaki yan, Traniyha! Susugurin ko yang lalaking yan!] Gigil na aniya,parang hindi alam na nag bibiro lang ako.
"Nandito siya ngayon, nakikipag date sakin"
[Anak ng!...] Ng hindi kona matiis ang tawa ay nailabas kona.[Tss... huwag ka ngang tumawa,nang iinis kapa talaga] Seryosong aniya. Hindi ko man siya nakikita ay alam kong kunot na kunot na ang noo niya at nanlalaki ang mga mata.
"Biro lang, Joshua" Natatawa paring saad ko.
[Traniyha] Bigla ay aniya na para bang natatakot.
"Bakit?" Napahinto naman ako sa pag hahanap ng damit na isusuot ko.
[K-kasi, nandito yung ex ko] Hindi ko tuloy alam kung seryoso siya don.
"Sinong ex yan ha?"
[Si... ]
"Ya! Hindi mo sakin sinasabi na may ex ka pala!" Pabulyaw na saad ko.Katulad ko lang kanina ay bigla niya akong pinagtawanan.
[Selos ka?] Bigla ay nangiinis na namang aniya.
Iba din pala trip ng lalaking 'to
"Hindi!" Nag tatampo lang.
[Eh, wala naman akong ex eh] Aniya at tumawa ng malakas, hanep naman pala.
Ang ending, nalamangan pako sa pangiinis.
"Ikaw! Humanda ka sakin kapag nagkita tayo,hihilahin ko yang tenga mo!" Mas lalo namang lumakas ang tawa niya sa kabilang linya.
[Kahit mababa pa sa tenga ko ang hilahin mo, ayos lang. Siguraduhin mo lang na masarap ang pagkakahila mo] Kahit hindi niya ako nakikita ay pumamewang ako.
"Humanda ka sakin,Joshua.Uubusin ko yang tenga mo nayan talaga. " Ipinipilit na ako ang mas nakakapambwisit.
[Basta ba pangkagat mo ang gagamitin mong pang ubos, ayos lang sakin kahit pati labi ko ubusin mo] Hindi ko man siya nakikita, alam kong nakangisi na siya.

YOU ARE READING
Huling Sandali
Teen FictionTraniyha, who fear to fall in love. Losing someone is one of her weakness. But she love the person so much, that she wish everything for him. She found the person that will treat her the way she dreamed of being treated. Having Joshua in her life, s...