Chapter 29Halos hindi na ako makalakad papasok sa bahay dahil sa kakaiyak na siyang nagpapahina sa akin. Agad namang kumuha si Mama ng tubig at inabutan ako.
"Anong nangyari?" Sa halip na sagutin ang tanong ay niyakap kona agad si Mama ng mahigpit at doon umiyak."I'm alaways here, okay?" Umiiyak na tumango ako rito.
Ang nagyari ay ikinuwento ko kay Mama, walang kwento na hindi ako umiyak. May pagkakataong magkukwento palang ako, nandoon na agad ang emosyon.
Natigil lang ako sa pagkukwento ng biglang mag-ring ang phone ko. Nakita kong si Joshua kaya naman dali dali ko itong sinagot.
"Joshua?" Wala pa man ay natatakot na ako.
"It's her Mom, please come here. I need your help" Malungkot ng saad nito.
"I'll be there" Nagmamadali akong tumayo at dumiretso sa kwarto ko para mag bihis muna."Mama, pupunta lang po ako kila Joshua. Hindi kopa alam kung ano ang nangyayari,tatawag na lang po ako kapag mag papasundo na" Mabilis na humalik ako sa pisngi nito at nagmamadali muling umalis.
May 11:00 narin ng gabi kaya sobrang dilim na ng daan. Nag pahatid na lang ulit ako kay Mang Rey papunta doon.
"Traniyha, help my son please" Nag mamakaawang saad ng Mama niya pagdating na pagdating ko."He's in depression,and I don't know what to do" Depression. Problemadong hinawakan ako sa magkabilang balikat nito."Please" Napapakagat sa labing tumango ako at pumunta sa tapat ng kwarto ni Joshua.
Kumakatok palang ako ay sumisogaw na siya, ni hindi pa niya alam kung sino iyon."Leave me alone" Hindi pa man nakakapasok ay yuon na ang sinasabi niya.
"Open the door for me, please Joshua" May narinig kaming nalaglag sa baba kaya tiningnan ko ang gawing paanan ko, doon ay nakita ko ang mga susi.
"Ito" Aligagang hinanap ng Mommy niya ang susi ng kwarto nito,nanginginig pa ang kamay ko habang binubuksan ang lock ng pinto.
"Take care of my Son,please" Niyakap pa niya ako,hinagod ko naman ang likod nito kasabay ng pagtango.
Oras na nabuksan ko ang pinto ay agad kong pumasok, sumalubong agad sa akin ang amoy ng alak sa loob non."Joshua" Nakita kong nakaupo siya sa baba sa gilid ng kama habang may hawak na bote at tinutungga iyon.
Nakakatulog pa siya sa pagkakaupo niya sa sahig kaya naman inakay ko siya pahiga sa kama."Joshua, give me the bottle" Ngunit ang higpit ng hawak niya sa bote ay hindi ko kayang higitan.
Tumayo ako sa harap niya,siya naman ay umayos ng upo at tinungga muli ang laman ng bote."Joshua,tama nayan" Kukuhanin kona sana ang bote,ng ilayo niya iyon sakin at ubusin ang lahat ng laman.
Nagulat ako ng dahil sa sobrang higpit ng hawak niya sa bote ay nabasag iyon sa mismong kanang kamay niya, doon ay dumugo ang kamay nito.
Ang sakit ay hindi niya manlang naramdaman, tumayo lang siya kumuha ulit ng alak at tumungga na naman. Ang dugo sa kamsy niya ay nagpapatuloy parin sa pagsurugo,sa halip na bigyang pansin iyon sy nagpatuloy lang siya sa pag inom.
Like what I said,sa oras na wala ka ng matakbuhan ay alak na lang ang makakasama mo. Sa tuwing iniinom mo iyon,nasasabi mo ang lahat ng gusto mong sabihin ng walang alinlangan.
"Joshua,tigilan mo nayan" Kinuha ko ang bote sa kamay nito, wala namang talab sa kaniya dahil nahiga lang siya at nagsimula ng matulog.
Dumating ang umaga na gising parin ako, nilinis ko ang kwarto niya buong magdamag. May isandaang piraso halos ang bote na nakuha ko sa kwarto niya, sigurado akong araw araw siyang umiinom ng alak.

YOU ARE READING
Huling Sandali
Teen FictionTraniyha, who fear to fall in love. Losing someone is one of her weakness. But she love the person so much, that she wish everything for him. She found the person that will treat her the way she dreamed of being treated. Having Joshua in her life, s...