Chapter 13

385 26 0
                                    


Chapter 13

Buong araw akong hindi lumabas ng kwarto.Nakatunganga lang ako sa lung saan magawi ang mata ko.

"Traniyha, bumangon ka diyan. Kakain na tayo" Pamimilit ni Papa. Sigurado akong sinabi sa kaniya ni Mama na hindi ako lumabas magdamag ng kwarto, ni walang kain at maayos na tulog.

"Leave me alone, Dad" Katulad lang din kahapon ng kay Mama,muli ay gusto kong mapag-isa.

"Bumangon kana diyan" Muli ay pamimilit niya. Wala naman na akong nagawa kundi bumangon padabog at maunang lumabas ng kwarto, tinatawag pa niya ako ngunit nag dire diretso lang ako palabas ng kwarto.

"Oh Anak, kakain na" Padabog na naupo ako at kumuha na nag lagay na agad ng pagkain sa plato kahit hindi paman tapos mag hain ng ibang pagkain. Kung ano ang nakahain ay yun na ng kinuha ko, makakain lang."Anak, darating nga pala yung doctor mo ngayon" Paalala niya.

"Traniyha,ano bang nangyayari sayong bata ka?" Ani Papa pag dating palang sa hapag ay 'yun na ang bungad niya.

Hindi naman ako kumibo, kundi ay nag patuloy na lang ako sa pagkain. Si Mama man ay nag tataka parin saming dalawa ni Papa.

Mas gusto ko pang umalis at takasan na lang ang doctor na'yon. Alam ko naman na yung sakit ko, bakit kailangang paulit ulit pa yung pag tingin sa kilos o ano man.

"Tapos napo ako" Hindi pa man sila nag sisimulang kumain ay tapos kona ang pagkain ko, sinadya kong gawin iyon.

All I realy wanted is to escape from reality,it's giving me so much pain and it's breaking my heart.

Ininom ko lang ang gamot ko at nag dire diretso na ulit sa kwarto.Tinatawag pa nila ako,ngunit hindi kona sila pinansin,muli ay nag kulong na lang ako sa kwarto.

Dumating anong Doctor, at kung ano ano na naman ang tiningnan niya sa akin. Ako naman ay walang ganang tinitingnan sa mga ginagawa niya sa akin,wala akong pakialam.

Matagal ko na siyang doctor, kabisado narin niya akong ayokong nag papatingin... kahit sa kaniya.Ngunit mapilit sila Mama at Papa, kaya pati ako ay walang nagagawa o naipagpipilitan pa.

Pag katapos akong tingnan ay sabay sabay silang lumabad ng kwarto,ngunit nakaawang ng bahagya ang pinto kaya naririnig ko ang pinag uusapan nila.

"Bigla na lang nagiging iba iba yung reaction niya, yung mga galaw niya" Paliwanag ni Mama.

"Kasama 'yan sa sakit niya. Maaring maging pabago bago ang emosyon niya, kaya kailangan niyong masanay---" Hindi kona pinakinggan pa ang sasabihin ng doctor. Isinara kona ang pinto at nag dire diretso papasok ng CR para mag bihis.

Gusto kung mag punta sa lugar na walang tao, lugar na tahimik. Lugar na kung saan sasabayan ako sa pag iisip ko, lugar na wala akong naririnig na kahit ano...kundi ang sarili ko.

"Anak,saan ka pupunta?" Nagtataka akong tiningnan ni Mama at Papa ag labas ko ng kwarto.Wala na don ang Doctor,tapos na siguro silang mag usap usap.

Hindi ko sila sinagot, nag dire-diretso lang ako palabas ng bahay. Nakasunod sila kaya naman binilisan ko ang pag lalakad.

"Mang Rey,tara na" Nag aalinlangan man si Mang Rey ay pinaandar narin niya ang kotse.

"Saan poba kayo mag papahatid?"

"Basta mag drive ka lang, ituturo ko sayo kung saan" Tumango na lang ito at nag patuloy na sa pag mamaneho. Tiningnan ko sa side mirror kung sinundan ako nila Mama, buti na lang at hindi.

Huling Sandali Where stories live. Discover now