Chapter 31

412 32 0
                                    

Chapter 31

"Hindi kana ba dito mag tatanghalian?" Tanong ni Mama habang nag gagayak ako ng dadalin papunta kila Joshua.

"Hindi na Ma, duon na lang po" Kumuha na lang ako ng pera at ng ibang gamit na kailangan bago ilagay sa bag.

Hindi na ako nakapag paalam ng maayos dahil sa pagmamadali,hinalikan ko na lang sa pisngi si Mama bago umalis.

"Tulog?" Isinara kona ang pinto ng kwarto ni Joshua,si Reynald ay wala parin dito.

Ibinaba ko lang ang gamit ko sandali bago dumiretso sa kusina para mag luto."A-ako na diyan, Iha" Kukunin sana ni Manang ang sandok sa akin pero nginitian ko lang ito.

"Ayos lang po Manang, sanay naman napo akong magluto" Hinalo kopa ang niluluto kong adobong manok. Parang nung nakaraan lang, si Joshua ngalang ang nagluto.

"S-sige, kung kailangan mo ng tulong, nandito lang ako sa likod ng bahay" Itinuro pa nito ang daan kung saan siya pupunta.

"Traniyha" Nagulat ako ng may biglang yumakap sa akin mula sa likuran.

"Hmm?" Sagot ko rito,hamarap ako rito at niyakap siya pabalik.

"Bakit mo ako iniwan?" Hinalikan pa nito ang noo ko,hinigpitan ko ang yakap rito.

"I'll explain it to you later, okay?" Tumango siya habang nakayakap parin sa akin.

Pinakamasarap na pakiramdam siguro ay yung mamahalin karin pabalik ng taong gusto mo, yung iintindihin ka niya gaano man kahirap ang sitwasyon niyo. Wala siyang iniintindi kundi ikaw, kundi ang kalagayan mo.

"Ano niluluto mo?" Tanong niya at niyakap na naman ako mula sa likod.

"Pinaksiw na manok, bakit?" Narinig ko naman ang mahinang pagtawa niya.

"Son, bakit lumabas ka?" Pilit ko namang tinatanggal ang pagkakayakap niya sa akin, ngunit hindi parin siya bumibitaw.

" 'cause I want to see Traniya. I want to see her cooking for me, why Dad?" Ngumiti naman ang Daddy nito at umiling.

"Flirting in kitchen,tss" Natatawa tawa pang dumaan ang Mommy nito para pumunta sa kwarto ni Joshua.

"F-flirting?" Kinamot ko naman ang ulo ko.

"Dad?" Naramdaman kong lumingon siya sa gawi ng Daddy niya.

"A-ah,I'm leaving" Utal na saad nito at mabilis na nilisan ang kusina.

"Are you hungry?"

"No--"

"Of course you're hungry" Ikinuha ko agad siya ng isang plato at pagkain.

"I'm not hungry--"

"You're hungry. Kakain ka o iiwan kita?" Nagbabantang tanong ko at hinarap siya. Inilagay ko muna ang plato sa lamesa at hinarap siya, tiningnan ko ang mata nito.

"Ayoko ng maiwan ulit, natatakot na akong maiwan ulit" May pilit na ngiti siyang ibinigay sa akin.

"Joshua" Hinawakan ko ang magkabilang pisngi nito.

"Sabay na tayong kumain, hihintayin kita sa kwarto" Tinanggal nito ang kamay ko sa pisngi niya at pumasok sa kwarto niya.

Napapabuntong hiningang kumuha na lang ako ng pagkain namin at sumunod na lang din sa kanya papasok.

"Kumain napo tayo" Sa lapag kami kumain dahil yuon ang gusto ng Mommy niya,sa mismong kwarto din ni Joshua.

Matagal daw nilang hindi nakasabay na kumain si Joshua dahil sa pagkukulong nito sa kwarto, halos isang buwan at mahigit.

Huling Sandali Where stories live. Discover now